Advertisers

Advertisers

PHP27.2 MILYON HALAGA NG SHABU, NABIGONG IPUSLIT SA NAIA 3

0 41

Advertisers

Isang Australyano ang inaresto ng mga awtoridad noong Huwebes ng gabi dahil sa umano’y pagdadala ng 4,008 gramo ng pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride, na kilala sa tawag na shabu, na may tinatayang halaga na P27,254,400.

Ang 63-taong-gulang na Australyano, na kinilala lamang bilang “Leon,” ay dumating mula sa Johannesburg, South Africa, via Hong Kong.

Natuklasan ng mga tauhan ng Customs X-ray, kasama ang NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) at ang PNP-Aviation Security Group, ang kontrabando sa isang itim na backpack na Samsonite. Sa loob ay may dalawang improvised na kahon na gawa sa kahoy na natatakpan ng de-kulay na papel.

Sa karagdagang inspeksyon, natuklasan ang dalawang transparent na plastic bag na nakabalot sa carbon paper na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.

Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang mga personal na gamit ni Leon, kabilang ang isang notebook, mga susi, calculator, charger, iba’t ibang barya, damit, bagahe, mga travel documents, mga identification card, bank cards, iba’t ibang foreign currencies, at isang mobile phone.

Ang Australian national ay nakatakdang maharap sa mga kasong paglabag sa Section 4, Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinabi ni BOC-NAIA District Collector Yasmin Mapa na ang mga nakumpiskang droga ay isusumite sa isang forensic laboratory para sa qualitative at quantitative examination, at pagkatapos nito ay isampa ang pormal na kaso laban sa dayuhan. (JOJO SADIWA/ JERRY TAN)