Advertisers

Advertisers

Mananalo si Leni ‘pag sinuportahan ni PBBM

0 57

Advertisers

NAKATAKDA raw mag-usap sina Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. at dating Bise Presidente ngayo’y Naga City mayor Leni Robredo.

Sabi, ang sentro ng pag-uusapan ay ang mga depektibong proyekto sa lungsod ni Leni.

Pero ang haka-haka ng marami ay liligawan ni PBBM si Leni para tumakbong Presidente sa 2028, pantapat sa nagdeklara nang si Bise Presidente Sara Duterte-Carpio.

Si Leni ang mahigpit na nakalaban ni PBBM noong 2022 election kungsaan ang running mate niya ay si Sara.

But eversince… si Leni ay hindi nagsalita ng negatibo kay PBBM. Kahit sa kampanyahan noon ay hindi siya nagbitiw ng anumang ikasisira ni Bongbong.

Nung manalo si BBM ay ipinagdasal pa raw ni Leni na magtagumpay ito sa kanyang administrasyon.

Kahit nang maging mayor ng Naga si Leni ay hindi manlang ito naringgan ng anumang sama ng loob laban kay PBBM.

Hindi katulad ng naging running mate ni PBBM na si VP Sara Duterte-Carpio na inaalipusta at ipinapapatay pa ang pangulo ngayon.

Oo! Sa unang dalawang taon lang naging maayos ang relasyon nina PBBM at VP Sara. Pagkatapos nito’y winawalanghiya na ng Duterte ang pamilya ni PBBM. Kung anong rason?, ang pagkabuking ng mga katiwalian sa pondo ng DepEd na noo’y pinamumunuan ni Sara at sa Office of the Vice President, at higit sa lahat ang pagkaaresto ng International Criminal Court (ICC) kay ex-President Rody “Digong” Duterte.

Si Sara ay nagdeklara nang tumakbong presidente sa 2028. Pagkatapos ng kanyang deklarasyon, tumalikod na, hindi sumagot sa mga katanungan ng media.

Ang numero unong rason ng pagdeklara ni Sara para maging pangulo ng bansa ay upang makaganti raw kay PBBM, maibalik sa bansa ang kanyang Tatay Digong, at maresbakan ang mga nag-imbestiga sa kanyang mga “katiwalian”.

Si Sara, base sa mga survey, ay top contender para maging Pangulo sa 2028.

At ang matinding makatapat niya, kung sakali, ay si Mayor Leni Robredo.

Kapag sinuportahan nga ni PBBM si Leni, malamang na matalo si Sara. Mismo!

Si PBBM, so far, ay wala pang sinasabi kung sino ang mamanukin sa 2028. Siempre kailangan winnable ang babak-apan niya para sa kanyang seguridad pagkatapos ng kanyang termino. Dahil kapag naging pangulo si Sara, sigurado gagawan siya ng mga kaso ng huli para mabulok sa kulungan. Peks man!

At para makatiyak ng panalo si Leni, bukod sa backup ni PBBM, kailangan magkaisa ang genuine opposition, hindi yung sila-sila ay maglalaban, or else pare-pareho silang sa kangkungan pupulutin.

Ang magandang maging running mate, kung sakali, ni Leni ay alin kina Senador Raffy Tulfo at Risa Hontiveros. Huwag na munang kumasa ni Sen. Kiko dahil matatalo lang siya. Peks man!