Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Puro papuri ang namutawing mga salita mula kay Barbie Forteza para sa Until She Remembers co-actor niyang si Ms. Charo Santos-Concio.
“Working with Ms. Charo as my grandmother, I really felt the connection with her and maybe it’s because she was so generous.
“Na magkasama po kami sa dressing room at grabe po napaka-generous niya in terms of yung simpleng tsika, malaking bagay po yun!
“Yung pag-share ng kanyang stories and experience, actually malaking bagay po na si direk Brillante talaga in-insist niya na sabay-sabay kaming kumain during breaks dahil doon lang namin nakikilala talaga ang isa’t-isa personally.
“Kaya malaking bagay ho iyon kasi mas nagkakaroon ako ng deeper understanding of who they really are outside the industry.
“And so naging madali po para sa akin na makatrabaho si Ms. Charo dahil napakagaan po niyang tao, napakasaya niyang kasama, walang kaere-ere and very generous and reliable na aktor po.
“So I’m very honored dahil siya po ang aking lola at ako po ang kanyang apo,” bulalas pa ni Barbie.
Gaganap silang mag-lola sa “Until She Remembers” kung saan kasama rin sina Boots-Anson-Rodrigo, at sina Angle Aquino, Albert Martinez, Eric Quizon, Vince Rillon, Erlinda Villalobos, Carlitos Siguion-Reyna, Perla Bautista, Angel Latorre, Bianca Kierulf, at marami pang iba.
Ipapalabas sa mga sinehan sa Pebrero 25, mula ito sa
Solar Studios Inc. at Center Stage Productions, executive producer Wilson Tieng, sa panulat at direksyon ni Brillante Mendoza.