Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Aminado ang magaling na aktor na si Carlo Aquino na nahirapan siya sa kanyang role bilang Dindo sa pelikulang “A Special Memory.”
Katunayan, medyo natagalan daw siya bago napa-oo sa nasabing proyekto ng balik-tambalan nila ni Bela Padilla.
Sa mapanakit na kuwento kasi, gagampanan niya ang papel ng isang asawang dumaranas ng matinding pagdurusa dahil sa pagkawala ng memorya o “Alzheimer’s disease” ng kanyang minamahal.
Ani Carlo, sa pagsasabuhay daw ng kanyang karakter ay parang nabuksan ang ilang sugat niya sa nakaraan.
“It’s like reliving the pain and reopening the wounds of the past,” pakli niya.
Nakaka-relate raw siya sa kuwento dahil sa tunay na buhay ay nagkaroon ng memory loss dala ng dementia ang kanyang yumaong tiyahin na close sa kanya.
“Iyong auntie ko kasi na kapatid ng father ko,she has a similar condition. Pag dinadalaw namin siya, it’s painful to see na kapag nakita namin siya, hindi na niya kami kilala, “bulalas niya. “And ang masakit pa ay iyong buhay siya and yet, almost dead na rin siya dahil nagsu-suffer na iyong cognitive functions niya. It’s very painful to see her deteriorate,” dugtong niya.
Ayon pa sa aktor, hindi rin daw niya alam na halaw ang kuwento ng pelikula sa Japanese series na may titulong “Pure Soul.”
Pero noong mabasa niya ang iskrip ay sobra raw siyang na-excite.
“It’s something na hindi pa nata-tackle sa Pinoy movies natin at na-challenge ako sa role,” paliwanag niya.
Para naman kay Bela, hindi ang orihinal na movie ang napanood niya kundi ang Korean adaptation nitong “Ä Moment to Remember.”
“I didn’t watch the Japanese series, ‘Pure Soul’.I watched an adaptation of the Japanese series which was the Korean Film. I watched it a few years ago and I watched it over and over again.
“So, when I heard this project na gagawin sa Philippines, I really threw my name in the hat kaya I really said, if I there’s a chance I could do this project, I would love to do it.
“And when Sir Ricky finally got on board and Direk Jerry, I cannot love to do this. I have to be part of this project. It’s beautiful because it’s very different from the version I saw. But just like, the Korean movie it will be nostalgic po,” pahayag niya.
Lahad naman ng National Artist for Film at scriptwriter na si Ricky Lee, matagal na siyang humihirit sa Viva na gumawa siya ng Korean adaptation at ngayon lang napagbigyan.
“Very excited ako nang ialok sa akin. Then noong sinabi na si Jerry tapos ang mga gaganap sina Bela and Carlo, na-doble ang excitement. Mahirap na madali para sa amin. Madali kasi kahit paano may pagbabasehan ka na like structure and ‘yung idea and then later you’ll realized na mahirap pala. Kasi pagkukumparahin,” bulalas niya. “And then later, kung paano papantayan. Unang-una kailangan magustuhan mo iyong pinanood mo at kung nagustuhan mo ibig sabihin ang ganda-ganda niya. Paano kayo gagawa ng mas maganda kaysa roon? It makes more difficult. But finally, it was really exciting. Kasi in the end, kinalimutan ko na ang original after na-observe ko siya. Parang inako ko na kuwento namin ito, Filipinong kuwento ito. Patatakbuhin ko ito the way na gusto kong patakbuhin. Hindi na ako mag-aalala sa kung saan ang pinanggalingan nito,” esplika niya.
Sey naman ng box office director na si Jerry Lopez Sineneng, inamin niyang noong una raw ay dinaga siya.
“Noong una, kinabahan ako kasi adaptation at ‘yun nga sinabi ni Ricky ang reason, iku-compare. Pero noong mabasa ko ang script ni Ricky and I must say, mas maganda talaga ang script ni Ricky kaysa original. Totoo po, hindi ako nagmamayabang, kaya nga National Artist. Talaga po ang ganda-ganda ng script ni Ricky. Noong nabasa ko ang script ni Ricky nawala na ang kaba ko. Tapos Carlo and Bela pa. Half of my work is done sa galing ng dalawang artistang ito.Noong una kinabahan pero noong isinu-shoot na, sobrang sarap ng pakiramdam, lalo na noong natapos na, ang ganda-ganda,” kuwento niya.
Ayon naman sa lead stars na sina Bela at Carlo, ang “A Special Memory” ang pinaka-mapanakit na pelikulang nagawa nila.
“Parang ito iyong magiging classic movie namin after “Meet Me in St. Gallen” na first movie namin together,” pakli ni Bela.
“Mapanakit talaga siya. It’s something that will linger in your memory for a long, long while,” pagtatapos ni Carlo.
Kasama sa powerhouse cast ng pelikula sina Lotlot de Leon, Joel Torre, Yayo Aguila, Jaime Fabregas, Phoebe Walker, at Paolo Gumabao.
Punung-puno ng emosyon, pagmamahal, at pag-asa, ipapaalala ng “A Special Memory” na ang mga hindi malilimutang kuneksyon ay mananatili sa atin magpakailanman.
Palabas na ang klasikong pelikula sa mga sinehan sa buong bansa simula Marso 11, 2026.