Advertisers

Advertisers

WHISTLE BLOWER WINAWAKWAK NI ATONG ANG?

0 3,260

Advertisers

Normal sa lahat ng mga nadedemanda na gagawa ng iba’t ibang pamamaraan para mapawalang sala lalo na sa hanay ng mga maiimpluwensiyang personalidad tulad ni ATONG ANG na isa sa mga kinikilalang GAMBLING LORD sa ating bansa at ngayo’y nahaharap sa kontrobersiyal na kaso hinggil sa MISSING SABUNGEROS ay gagamitin ang lahat ng pamamaraan tulad sa pangwawakwak o pangwawasak sa kredibilidad ng WHISTLE BLOWER laban sa kaniya.

Ang WHISTLE BLOWER na si JULIE “DONDON” PATIDONGAN ay sinampahan ng kasong RAPE.., pero wala palang RAPE ayon sa bulong sa atin ng ARYA BEES dahil ang una pala ang nagmistulang “gatasan” sa pangkabuhayan sa pamilya ng babaeng kaniyang naging kasintahan na nagdemanda sa kaniya.., kung saan ay nitong bago magtapos ng taong 2025 naghain ng kaso habang nasa kasagsagan ang kaso ng MISSING SABUNGEROS gayong ang akusasyong RAPE ay nangyari raw noong 2021 hanggang 2022 na bakit nitong taong 2025 lamang nagdemanda ang babae?

Ang WHISTLE BLOWER na si PATIDONGAN ang siyang may-ari ng security agency na kinuha ni ATONG ANG sa paggo-guwardiya ng kaniyang mga malawak na farm kaya maraming nalalaman ang una hinggil sa mga operasyon ni ATONG.

Sa mga ibinulong ng ARYA BEES.., noong 2023 nang nagtatago na si PATIDONGAN ay binibisita pa raw ito ng kasintahan niyang nagdemanda sa kaniya.., at ang siste ay ang mga magulang daw ng babae ang nagpakilala na noo’y menor de edad pa ang babae at noong ito ay tumuntong na sa edad na 18 ay saka lamang niligawan ni PATIDONGAN.

Dahil nakatira sa iskuwater area ang pamilya ng babae ay binilhan ni PATIDONGAN ng bahay ang pamilya, binilhan ng tricycle ang tatay at sinustentohan buwan-buwan ang pamilya.., gayundin ay pinag-aral pa ang babae.., na sabi nga ng mga nakakakilala sa pamilya ng babae ay si PATIDONGAN ang nagsilbing “gatasan” ng pamilya.

Ang siste ay natigil ang relasyon ni PATIDONGAN sa babae nang madiskubre nito na may karelasyong tibo kaya itinigil na ang kanilang relasyon at naghanap din ng bagong live-in partner.., na nitong bago magtapos ang taong 2025 ay nagdemanda ang babae ng RAPE laban kay PATIDONGAN na obvious para sirain ang kredibilidad ni PATIDONGAN at pahinain ang mga naging pagsisiwalat nito laban kay ATONG hinggil sa MISSING SABUNGEROS.

SI PATIDONGAN ay nilaanan ng PROTEKSIYON ng GOVERNMENT sa pangangasiwa ni JUSTICE SECRETARY JONVIC REMULLA.., teka, kumusta naman kaya ang sitwasyon ng mga pamilyang nagdemanda kay ATONG dahil sa isyu ng MISSING SABUNGEROS na ang ilan ay pinaslang at itinapon sa LAGUNA LAKE?

PAGING JUSTICE SECRETARY REMULLA.., may nagbulong sa ARYA na wala raw proteksiyong ibinibigay ang gobyerno sa pamipamilya ng mga naglahong SABUNGEROS e baka mangyari niyan ay mapatahimik ang mga nagdemanda…, kung wala na ang mga nagdemanda e presto malulusutan ni ATONG ang iniaakusa sa kaniya lalo na kung mawawarak ang imahe ng WHISTLE BLOWER!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.