ACTOR KARL TIUSECO AND RC SAMONTE – ARTISTRY MEETS ENTREPRENEURSHIP SA KANILANG NEW BUSINESS NA ARTISTA CAFE!
Advertisers
Ni Direk JM
Si Karl Tiuseco ay matagal na din sa industriya ng Showbiz, isa siyang Multi – Awarded Actor, Singer, Host, Voice Artist at Creative leader. Sa mga nagdaang taon ay aktibo ang actor sa paglabas sa TV at Pelikula pati na din sa Hosting at maging sa Voice Acting.
Sa katunayan nga ay naging nominado pa ang actor nuong 2024 sa Aliw Awards bilang Best New Male Artist, Artista Achievers Awards 2025, AAA Actor Excellence Award at Sine Short Film Fest 2025 as Best Supporting Actor for Misteryo Ng Biyaya Film.
Dream Role ni karl talaga ang isang makabuluhang character na nagtatagpo ang science at art tulad ng isang Doctor na may artistic side. Kung mabibigyan naman ng pagkakataon sa hinaharap ay gusto niya subukan ang mga mas challenging na roles tulad ng dramatic roles at isang Historical Character. Inspirasyon daw ni Karl si Piolo Pascual dahil mahusay daw itong umarte at versatile ito subalit hindi naman daw niya ito ginagaya dahil may sarili din siya estilo sa pag arte.
Ngayong taon naman ay may binuksan bagong business si Karl ang Artista Café sa Scout Del Gado barangay Sacred Heart sa QC na nagiging tambayan ngayon ng ilang mga artista din. Kasama ni Karl sa Artista Café Business niya si RC Samonte na isa ding Aktor at Artist tulad ni Karl. Sa katunayan ay lumabas na din ito sa ilang pelikula tulad ng Bula 2025 ni Direk Maco, at ngayong taon nga sa ilang pelikula tulad ng Kasama Sa Dilim ni Direk Mardy Planas this 2026 at Alanganin also with Direk Mardy Planas this 2026.
Sa ngayon maliban sa mga projects ng dalawang actors ay hands on sila sa kanilang business na Artista Café, magkasama nila binuo ang Artista Café bilang isang tambayan ng artistry, good coffee at cultural story telling. Isang lugar kunsaan ang bawat produkto ay may kasamang kuwento at inspirasyon.
Ang Artista Café ay hindi lamang isang Café sabi ni Karl kundi isang Creative Hub na nagtatagpo ang Artistry, Hospitality at Luxury Branding. Bawat produkto, mula sa pastries hanggang drinks ay may kasamang narrative na nagbibigay ng kakaibang karanasan sa mga customers.