Advertisers

Advertisers

Ano nga ba Senador Robin? TATAKBO KA BA O HINDI SEN. ROBIN SUSUNDIN SI DIGONG

0 45

Advertisers

Ni Beth Gelena

Usap-usapang tatakbo umanong Bise Presidente si Senator Robin Padilla bilang running mate ni Vice President Sara Duterte, kung may order umano ang former President na ama ni VP Sara, detained former President Rodrigo Duterte.

Sinabi na ni Padilla na sina Sara at Sen. Imee Marcos ang magandang tandem sa 2028 eleksiyon.

Pero, handa raw siya in case na may order si Digong na tumakbo siya sa higher posisyon.

Ani ng mister ni Mariel Rodriguez, “Eh, pag-utos ni Digong. Pag-utos ni Digong. Walang pwedeng mag-utos sa akin kahit sino, si Digong lang. Kasi ayaw ko talaga ng politika. Alam naman lahat ng mga nanay ko, alam yan. Mga kapatid ko, asawa ko. Basta sinabi ni Digong, susunod ako.” “Kasi kaya naman ako nandito, ma’am, dahil sa kanya.”

Pag-amin pa niya, “Ay, pinanganak po tayong ready. Eh, lalo na yan. Para sa akin, eh, Vice President, hindi naman masyadong ano yan, puro advocacy lang yan, eh. Parang ikaw ang spare tire, diba? Kayang-kaya yan. At isa naman ako sa, ang paniwala naman ng Duterte, isa ako doon. Ako ay kung ano ang kasi para sa akin, ideology kasi ang Duterte. Hindi naman yan persona lang. Hindi yan si Digong. Ang Duterte kasi ideology yan. Pagbabago, yun talaga.”

Ang panayam na ito ay lumabas sa ABS-CBN News.

Wika pa ng aktor-politiio, “Ay, sa akin naman po wala na po akong katulad po ng kay VP Inday. Wala na rin po akong maiisip na ibabato sa akin dahil naibato na lahat. Excon, Bobo, Tanga, lahat na. Babaero, lahat na po. Ako po naman eh, hindi naman po ako balat sibuyas. Kung ganyan ho talaga ang ano ng politika natin, tatanggapin po natin yan. Pero ang usapin ho kasi diyan eh ayoko talaga.”

“Pinagbigyan ko lang ho si Tatay Digong na maging senador. Pero hindi ho dahil sa mga bashing. Kung hindi ako po nababagalan. Nababagalan po talaga ako sa takbo ng ating dito sa ating pag-gobbyerno. O po yun po ang totoo. Pero siyempre po kung utos ni Digong, wala po akong magagawa. Pero kung pag-uusapan po natin, uli kung sino dapat yung mga mauna, eh dapat mauna po dyan. Si Manang Imee, si Sen. Alan Caetano, Sen. Bong Go, Sen. Bato, kasi sila po yung mga senior po.”

“Sino naman ang, wala naman sigurong tao na hindi maliligayahan pagka tinutulak ka ng iba kasi ganiyan din naman ang ginawa sa akin ni Digong. Hindi naman ako kasi pulitiko talaga. Si Digong lang talaga yung nagsabi sa akin na pumasok ka sa pulitika dahil ayaw ko talaga ng pulitika eh Gusto ko lang sabihin sa mga kaibigan ko. Kaibigan ko kasi si Jimmy. Kaya ganyan yan si Jimmy. Maraming salamat sa mga kaibigan ko na nagtutulak sa akin at sa paniniwala po ninyo. ”

“Pero siyempre, ang realidad niyan, meron yang sinusunod na, kumbaga, bago mapunta sa akin niyan, siyempre uunahin natin yung mga tunay na politiko na talaga. Una dyan ay si Manang Imee Marcos, pangalawa ay si Sen. Alan Cayetano, susunod ay si Sen. Bong Go, ang susunod dyan ay si Sen. Bato. Merong hierarchy yan, hindi pupwede na ako kagad kasi ako’y bago lang dito sa politika.”

“Meron tayong susundan na kapagka sinabi mong Duterte supporters at ng loyalist ni Duterte, meron talaga yun na sinusundan. At para sa akin, ang pinaka-senior niyan ay si Manang Imee. Dahil makikita naman natin nung nanalo si Digong, ang unang-unang sinasabi ni Digong, gusto niyang mag-unite ang mga Pilipino, kaya niya pinalibing si Marcos Sr. Diba? Para matapos na ang hidwaan ng mga Ilocano at ng ibang Bisaya, mga ganyan. Yun ang mga ideal ni ano yan eh. Mga, ano ni Digong. So ako sumusunod lang doon. Ako yung napapasalamat sa mga nagtutulak, syempre. Maraming salamat po sa inyo.”

Pag-amin pa niya, “Oo. Buong pamilya ko naman. Nagumpisa naman yan. Duterte talaga. Kami nga, ay nangampanya talaga kay Digong nang wala kaming hiningi kahit ano. Katunayan, kami pa gumastos. At ako’y naniniwala talaga kay Inday Sara at kung sino man ang pipiliin ni Digong na maging vice president niya. Ako’y talagang 100% na tutulong. ”

Pero, naguguluhan ang followers ni Padilla dahil sa panayam naman ng Inquirer sa kanya, “I have no plan to run for Vice President — Robin”

Hay… Ano ba talaga Binoe..

Just asking…