Advertisers

Advertisers

Sa Mahigit 2 Decades Na! Mommy Pinty Gonzaga, Maganda At Maayos Ang Paghawak Ng Showbiz Career Nina Toni At Alex; Entertainment Coffee Bar Ni Zhalir Jaila Bukas Na

0 23

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

‘Di lang bilang isang Ina, nina Toni at Alex mapupuri mo si Mommy Pinty Gonzaga na parehong napalaki nila ng maayos ni Daddy Bonoy ang kanilang both social media influencer daughters na may pagmamahal sa Diyos. Gayundin sa pag-handle ni Mommy Pinty, ng both respective showbiz careers nina Toni at Alex. Imagine 26 years na sa showbiz si Toni last Jan 1, 2026. Pero kahit na ilang taon ng resigned sa Pinoy Big Brother ay still stable pa rin ang career ng ating Ultimate Multimedia Star. Yes sa ngayon ay si Toni ang itinuturing na magaling na Talk show host sa hanay ng mga babaeng hosts sa telebisyon. Napaangat nito ng husto ang kaniyang “TONI TALKS” na napagkalooban ng maraming awards ang show at si Toni. At yes, noong kasagsagan ng karera ni Toni sa GMA at ABS-CBN. Wow, malulula ka naman talaga sa rami ng ginawa nitong mga blockbuster projects sa kanyang acting at singer career. At pagdating naman sa endorsements. Name it, at halos lahat na yata ng produkto ay naendorsed na nito. And until now, ay may marami pa ring endorsements si Toni. At lahat ng narating nito ay malaking parte diyan si Mommy Pinty, na very protective sa karera ng mga anak.

Si Alex Gonzaga naman ay mula ng pasukin ang showbiz noong 2006. Ay marami na ring napatunayan sa mga proyektong ginawa sa ABS-CBN at TV 5. Sila ng kanyang Ate Toni ang malaking factors kung bakit sobrang taas ng rating ng ASAP noon. At bongga rin itong si Alex, dahil bida siya sa mga ginawang teleserye sa TV 5 at Kapamilya Network. Yung morning Showbiz Talk Show nito noon na “JUICY” sa TV 5 ay number show sa Kapatid Network. Dinumog rin ng endorsements si Alex at ang latest ay ang AURUM, ng HIKARI Skin Essentials na silang dalawa ng kanyang Ate Toni ang celebrity endorsers. Tapos kakapirma lang din nito ng contract para sa ineendorsong CAPTAIN CALAMARES. Magkakasama naman sila ng kanyang Mommy Pinty, Daddy Bonoy, at mister na si Lipa Batangas Vice Mayor Mikee Morada sa pagpo-promote ng CHEF AYB’S PARAGIS Tea and Capsules. At co-owner dito si Alex. Sa social media o internet naman ay isa si Alex sa kinikilalang Youtube Superstars. O diba, ganyan kahusay mag-alaga ng mga career nina Alex at Toni, si Mommy Pinty. Saka pagdating sa mga offer, sa mag-sister ay tinutukan talaga ito ni Mommy Pinty. Lagi itong nakagabay sa kanila. At always present din sila ni Daddy Bonoy sa mga showbiz activities ng mga anak. This year, ay 20 years o decades na sa showbiz itong si Alex.

***

Sobrang nakaka-proud naman talaga itong si Jim Estrabela a.k.a Zhalir Jaila na kilalang fengshui master at negosiyante. Matagal na panahon na naming friend itong si Jim, na former entertainment editor, namin ng sikat noong movie fan magazine na MEGASTAR ng Rex Publications.

And now maliban sa pinagkakatiwalaang fengshui expert, na marami ng mga pinayaman tulad ng kliyenteng Angel’s Burger na super milyonarya na ang mag-asawang owner nito. Isa na ring matagumpay na negosiyante si Jim. Binuksan niya noong pandemic ang unang branch ng kanyang Five Star Chicken na located sa likod lang ng SM City North, Edsa. Nasa Road 3, Project 6 Quezon City naman ang pangalawa nitong branch. At araw-araw ay dinudumog talaga ito ng mga customer na type ang fried and roasted chicken ni Jim. This month, ay binuksan naman ang bagong business venture ni Jim na GOLDEN BLACK CAFE: ENTERTAINMENT COFFEE BAR, kung saan nainvite nga ang inyong columnist. Well napaka-cozy ng bar na habang ine-enjoy niyo ang inorder niyong milktea and food. Pwede kayong mag-karaoke sa kanilang Entertainment room na well aircondition. Yes ang lamig ng lugar at meron silang Comedy Fun Nights, na aaliwin kayo ng kanilang Gay stand-up comedians. Tumatanggap rin sila ng mga special events gaya ng birthdays, parties, group meeting, presscon, Etc. This Entertainment Coffee Bar is located at #132 Road 3, Project 6, QC. Jim or Zhalir Jaila, is very stable, now na meron magagarang sasakyan at townhouse. And his sons are both professionals na rin na may mga magagandang trabaho. Tunay ngang masipag at madiskarte itong si Jim na mula middle class na pamumuhay. Ngayon ay isa ng certified successful enterpreneur.