Advertisers

Advertisers

SHARON NAGREAK SA PAKIPAGMiTING NI PBBM KAY ROBREDO

0 23

Advertisers

Ni Beth Gelena

Bumisita si President Bongbong Marcos kamakailan sa lugar ni Mayor Leni Robredo para makipag-meeting sa dating Bise Presidente ng Pilipinas.

Si Robredo ay mayora ngayon sa isang bayan sa Bicol.

Nagreak ang Megastar Sharon Cuneta sa meeting nina PBBM at Leni Robredo

Matapang na nagpahayag ang singer/aktres tungkol sa kamakailang pagkikita nina PBBM at Naga City Mayor Robredo.

Bumisita ang Punong Ehekutibo ng Pilipinas sa Naga upang personal na suriin ang proyektong “Oplan Kontra Baha”.

Magugunita, noong halalan ng 2022, sina Marcos at Robredo ay magkatunggali para sa posisyon ng pangulo. Apat na taon matapos ang kanilang tunggalian sa politika, halos wala silang naging interaksyon sa bayan ni Robredo.

Binigyang kulay ng netizens ang pakikipagmeeting ni PBBM kay Robredo nang ideklara ni VP Sara Duterte na tatakbo siya sa pagkapangulo sa halalang 2028.

May mga nag-isip na may kulay politikal umano ang pagbisita ni PBBM sa Naga. Gayunpaman, nakasaad sa mga ulat na walang napag-usapan na mga planong pampulitika sa pagitan ng dalawang kilalang personalidad sa politika.

Sa Facebook ni Sharon, aniya, “My President Mam Leni @atty.lenirobredo with OUR President, Ferdinand Marcos, Jr. Walang balimbingan o plastikan. Pagpapasalamat lamang sa pagsuporta sa kanyang mahal na lungsod at bayan. Ang balimbing ay iiwan ang tapat na samahan para sa pangsariling kapakanan.”

Binigyang-diin din niya na ang mga taong mahabagin ay palaging pipili ng panig ng katotohanan, lalo na kapag may nangyaring pagtataksil, at kung ito man ay para sa kapakanan ng bayan.

“Ang plastic ay lahat ng kinakaibigan para sa sariling kapakanan. Ang sibilisado at disente ay nakikitungo at rumerespeto sa sinumang rumerespeto sa kanya nang hindi sinusuko ang prinsipyo,” dagdag pa ni Shawie.

Ang nakakaintrigang pahayag ni Sharon sa kaganapan ng dalawang politiko, ” An Evening with the Stars ” na ginanap sa Foro de Intramuros noong Pebrero 12 ay nakakuha ng atensyon ng mga netizen. Aniya, nagkamali ang PBBM pagdating sa kanyang VP. Pagkatapos, itinuro niya ang kanyang asawang si Senador Kiko Pangalinan, na siyang kalaban ng kasalukuyang kasalukuyang bise presidente na si Sara.