Advertisers

Advertisers

Sindikato sa likod ng Valenzuela shabu lab, habol ng PNP

0 10

Advertisers

Nangako ang Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes na tutugisin ang sindikatong nasa likod ng nadiskubreng shabu laboratory sa Valenzuela City kung saan nakumpiska ang iligal na droga na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P6.6 bilyon.
“We will conduct follow-up operations as we believe that what we discovered in Valenzuela City was being operated by a huge syndicate,” ani PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.
“We will leave no stone unturned in tracking down every individual connected to this syndicate,” dagdag pa niya.
Inatasan din ni Nartatez ang PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na imbestigahan kung may iba pang iligal na laboratoryo sa bansa na maaaring konektado sa operasyon sa Valenzuela.
“I have instructed our personnel, particularly the PDEG, to intensify its intelligence monitoring and gathering to trace if there are other shabu laboratories existing in the country, especially in the metro,” aniya.
Sa isinagawang raid noong Pebrero 22 ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency, nakumpiska ang 906.41 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.16 bilyon at 64.15 litro ng liquid methamphetamine na tinatayang P436.22 milyon mula sa isang bodega sa Valenzuela City.
Nadiskubre ang laboratoryo matapos maaresto ang isang 30-anyos na suspek na umano’y nagbenta ng 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa isang undercover operative sa parehong araw. (Beth Samson/Boy Celario)