Advertisers
Kinumpirma ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Charlito “Martin” Mendoza ang kaniyang appointment bilang commissioner ng Bureau of Customs.
Kapalit ni dating commissioner na si Ariel Nepomuceno matapos magbitiw sa kanyang puwesto kamakalawa.
Nangako si Mendoza na ipagpapatuloy niya ang mga reporma at palalakasin ang operasyon ng ahensya.
“I have always believed that public service means doing our best and doing as much good as we can in the time we are given, wherever we are called to serve. I am honored to accept this new assignment at the Bureau of Customs,” bahagi ng kaniyang mensahe, at mapataas pa nito ang koleksiyon nang nasabing ahensya.
Ayon kay Mendoza kanyang paiigtingin ang seguridad ng BOC hinggil sa mga tiwaling opisyal sa naturang ahensiya na kung saan napakaraming nakakalusot ang ilang smuggler.
Parktikular na ang isa sa pinakamalaking problema sa bansa ang pag puslit ng mga ipinagbabawal na mga gamot na nagkakahalaga ng Bilyong Bilyon piso sa ibat ibang pamamaraan na pumapasok sa ating bansa.
Gusto din ni Mendoza ang maayos na sistema sa BOC gaya ng pamamaraan ng kanyang dating puwesto sa BIR.(Gaynor Bonilla)