Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Matagal nang pinagshi-ship sina Kai Montinola at Andres Muhlach nang magkasama sila sa isang event.
Marami kasi ang nakapansin na bagay ang dalawa.
Ito ay kahit mina-match din si Kai kina Kyle Echarri at Jarren Garcia ng PBB.
Sa kaso naman ni Andres, natali siya sa love team kay Ashtine Olviga dahil sa kanilang kilig seryeng pinagsamahan.
Dagdag pa rito, iisa rin ang management nila.
Pero hope springs eternal para sa kafaneyan ng KaiDres dahil nabuhay na naman ang pantasya ng kanilang mga tagahanga na nagsasabing matched sila.
Sa muling pagsasama nila sa isang awarding ceremony recently , muling napansin ang kanilang undeniable chemistry.
Nag-react naman ang mga tsismosang kapitbahay sa nasabing isyu nang mapag-usapan ito sa umpukan ng mga nagmamarisol.
Ito ang ilang hirit ng kibitzers.
“Tagilid si Ashtine kay Kai.”
“Oy, pinallow ni Atasha si Kai sa Instagram.”
“Boto si sis kay Kai.Hahaha!”
“Naka-follow din po si Atasha kay Ashtine.”
“Pati Lola ni Andres, nila-like mga posts ni Kai.”
“End of AshDres na ba?”
“Iyong KaiDres, parang malabong mangyari dahil magkaiba sila ng management.”
“Uso na ang collab.Posible na ang lahat.”
“Parang mas bagay si Andres kay Kai kesa kay Ashtine.”
“Ashtine left the group.”
“Parang hindi naman atat si Kai kay Andres. Kafaneyan lang ang nagshi-ship sa kanila.”
“Pansin ko, hindi papayag si Kyle Echarri na masingitan ni Andres.”
“Mas bagay nga at may chemistry sina Kyle at Kai kesa kina Andres at Kai.”
“So end na ng AshDres, mabubuwag dahil sa pag-eksena si Kai.”
“KaiDres na.”