Advertisers

Advertisers

2 killers ng 3 celfone tech. timbog

0 16

Advertisers

ARESTADO ang dalawang pangunahing suspek sa pagpatay sa tatlong cellphone technicians sa Lal-lo, Caga-yan noong Marso 12.
Kinilala ang mga nadakip sa alias Fred, 31 anyos; at Rod, 48, kapwa taga Bu-guey, Cagayan.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief, General Jose Nartatez, naaresto ang mga suspek ng mga operatiba sa follow operation noong Bi-yernes ng hapon sa Barangay San Juan, Buguey.
Narekober ng mga awtoridad ang iba’t ibang baril, mga bala, tactical gear, at mga mobile phone mula sa mga suspek, kabilang ang isang 9mm pistol, isang M16 rifle na may binurang serial number, mga improvised shotgun, at isang rifle grenade.
Ang bangkay ng mga biktima ay kinilala sa alias Sa-lic, 41; Janisa, 38; at Motaleb, 40.
Sa imbestigasyon, galing ang mga biktima sa Tuguegarao City at nagtungo sa bayan ng Lal-lo para makipagkita sana sa katransaksyon na nagbebenta ng ginto noong Huwebes, subali’t dinala ang tatlo sa liblib na lugar kungsaan natagpuan ang bangkay ng mga ito.
Nagtamo ang mga biktima ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Pinaniniwalaan robbery o pagnanakaw ang motibo nang mawala ang dalang P1.1 million at cellphone ng isa sa mga biktima.
Nasa kustodiya ang mga suspek ng Lal-lo habang sumasailaim sa imbetigasyon at paghahanda ng kaukulang kaso laban sa mg ito (Mark Obleada/ Rey Velasco)