Advertisers
NADISKUBRE ng mga awtoridad na ginagamit bilang drug den ang isang lodging house sa Manalili Street, downtown Cebu City.
Ayon kay Agapito A. Gierran, executive officer ng NBI-CEBDO sa Man-daue City, orihinal na nag-o-operate ang establisyimento bilang isang lehitimong lodging facility na kalaunan ay nadiskubreng ginagamit sa mga illegal drug activity.
Ani Gierran, nadiskubre niya na ang ilang room ay ni-rerentahan ng mga indibid-wal na gumagamit ng illegal na droga.
Sa imbestigasyon, ang pasilidad ay mayroong 10 kwarto na ginagamit ng mga drug user ng P50 kada oras.
Hindi na aniya angkop na gawing lodging ang mga kwarto at tila ginagamit na talaga para sa mga session.
Sa operasyon, naabutan ng mga ahente ng NBI ang ilang indibidwal na umookupa sa iba’t ibang kwarto sa loob ng lodging house.
Aabot sa 15 katao ang naa-resto kabilang ang maintainer ng drug den, matapos ang da-lawang linggo ng surveillance ng mga awtoridad.
Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng entrapment scheme at pagpapadala ng undercover operative na nagpanggap bilang drug user para makapasok sa lodging house.
Narekober sa mga ito ang iba’t ibang drug paraphernalia kabilang ang syringes, glass tooters, improvised burners, lighters, aluminum foils, funnels, at plastic sachets na may bakas ng shabu.