Advertisers

Advertisers

2 Chinese at 2 Pinoy sa 43 sako ng shabu

0 11

Advertisers

SINAMPAHAN na ng mga kaso ng Philippine Drug Enforcement Agency-Mimaropa ang dalawang Chinese nationals at dalawang Filipino na kasabwat kaugnay ng pagkakasamsam sa 43 sako ng ilegal na droga sa Palaun at Mamburao, Occidental Mindoro.
Itinago muna ng PDEA-Mimaropa, pulis, at militar ang pagkakakilanlan ng mga Chinese at dalawang Pinoy mula sa Nasugbu, Batangas habang isinasagawa pa ang back-tracking investigation at operasyon sa pagkasamsam ng bulto ng illegal na droga
Mga kasong paglabag sa Section 5 ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isinampa sa Calapan Prosecutor Office laban sa apat, ayon kay Faye Faltado, PDEA-Mimaropa public information office head.
Sinabi ni Faltadoz, nasa kustodiya ng PDEA4B ang apat, matapos silang sumailalim sa inquest proceeding, habang nananatili sa kustodiya ng PDEA-4a ang nakuhang 806 kilo ng kontrabando na tinatayang nagkakahalaga ng P5.4 bilyon.
Nasamsam ang 43 sako ng iligal na droga at karagdagang 10 pakete na hindi inilagay sa loob ng mga sako at isang sako na naglalaman ng 20 pakete, na may kabuuang 806 kilo.