Advertisers

Advertisers

BADIGARD NI ISKO TINUMBA NG TANDEM!

0 24

Advertisers

NASAWI ang isang security escort ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nang barilin ng mga gunmen na sakay ng motorsiklo sa Tondo, Maynila, Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si George Capistrano, 56, isang retiradong pulis, residente ng Barangay 134, Balut, Tondo, at bahagi ng security detail ni Isko.
Ayon sa paunang ulat ng Manila Police District (MPD), naganap ang pa-mamaril 12:00 ng madaling araw sa harap ng bahay ng biktima sa kanto ng Salonga at Buendia streets.
Nabatid sa imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang dalawang salarin na isang karaniwang pamamaraan ng ‘riding in tandem’ criminals.
Dinala pa ang biktima sa Tondo Medical Center, nguni’t idineklarang dead on arrival.
Ayon sa asawa ng biktima na si Andrea, nasa loob siya ng kanilang bahay nang marinig ang dalawang putok ng baril. At sa paglabas niya ng bahay ay nakita niyang nakahandusay ang kanyang asawa.
Iniulat ng pulisya na mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril, at hindi pa natutukoy.
Naglunsad na ang MPD ng follow-up investigation at manhunt operations upang matukoy ang mga salarin, at malaman ang motibo sa pagpatay.(Jocelyn Domenden)