Advertisers

Advertisers

Speaker Bojie Dy, DepEd Sec. Sonny Angara at Rep. Jude Acidre paksilip naman po mga sira-sirang classroom sa Tarlac — Kayo po ang pagasa namin!

0 29

Advertisers

Opo mga Ka Usapang Hauz nagkaroon ng malaking Pagasa ang mga magulang, estudyante at maging ang mga guro sa Lalawigan ng Tarlac partikular sa 1st Dist sa naging pahayag ng mahal na Pangulong Bongbong Marcos Jr na bibigyan ng prayoridad ang pagpapalakas ng edukasyon sa bansa.

May nakuhang mga dokumento ang Usapang Hauz hinggil sa matagal ng request na ipinadala ng mga public school principal mula sa tanggapan ng Department of Education para sa karagdagang mga school buildings panahon pa ng nag resign na DepEd Secretary si VP Sarah Duterte.

Napag-alamam na ilang Pangulo na ng bansa ang natapos ang kanilang termino tulad nina Pangulong GMA at ang pinakahuli ay itong si FPRRD subalit wala pa ring katuparan ang request ng Tarlac 1st Dist Parents Teachers Association (PTA).

Sa ginawang talumpati kamakailan ng Pangulong Bongbong Marcos kung saan pinatutukan nito at hiniling sa kagawaran ng edukasyon na madaliin ang pagsasaayos at paggawa ng karagdagang silid aralan para na rin sa de kaledad na edukasyon sa bansa.

Kaya nananawagan ang Tarlac 1st Dist. PTA kina House Speaker Bojie Dy, DepEd Secretary Sonny Angara at maging kay Rep. Jude Acidre na mapansin ang kanilang suliranin sa kakulangan ng mga gusaling silid aralan sa kanilang lalawigan.

Bilang karagdagang detalye mga Ka Usapang Hauz, magkatuwang na lumiham sa tanggapan ni DepEd Secretary Angara si Julia C Malonga ang Principal ng Maluac Elementary School at Vilma L. Cariaga PTA President na matatagpuan sa North District, Municipality of Moncada Tarlac na hindi na ito matuturing na eskuwelahan dahil mahahanay na ito sa kural ng baboy, buhay na rin ang nakataya rito dahil sa posibleng pagguho at pagbagsak ng kisame at pader.

Ang Maluac Elementary School ay naipatayo sa pamamagitan ng yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. kung kaya’t tinawag itong Marcos School Type, taong 1985 ay nangako ang Pangulong FM na ipapasaayos subalit sumiklab ang Edsa People’s Power ng taong 1986 kung kaya’t nabinbin, sa ngayon malaki ang pagasang maisakatuparan ang pangarap dahil sa vision ng Pangulong BBM.

Isa rin sa humihingi ng tulong at nangangarap ang bayan ng Paniqui na mabigyan din ng pansin ang kanilang mga silid aralan dahil buhay ng mga estudyante at mga guro ang nakataya sakaling huwag naman sanang gumuho.

May nais iparating si Paniqui Municipal Mayor Kat Roxas ang kanyang labis na pasasalamat sa naging pahayag ng Pangulong BBM na bigyang prayoridad ang edukasyon at inatasan nito si DepEd Secretary Sonny Angara na madaliin ang paggawa ng mga karagdagang school buildings sa buong bansa.

Narito ang talaan mga Ka Usapang Hauz ng mga eskuwelahan sa ika unang distrito ng Tarlac na nangangailangan ng agarang tulong mula sa kagawaran ng edukasyon ang Balaoang National High School, 2 Storey 8 classroom, Construction of 2 Storey 10 classroom, Carino Elementary School, Construction of 2 Storey 6 classroom, Salomague, Elementary School at Cojuangco Elementary School (building 2@3) North Dist. na nangangailangan ng 2 Storey 10 classroom na pawang nasa munisipalidad ng Paniqui.

Habang ang iba pang bayan na nangngailan din ng karagdagang school buildings ay Central Elementary School sa bayan ng Moncada, Camposanto Elementary School at iba pa.

Speaker Dy, Sec. Angara at Rep. Acidre mga Sir, Labis po ang katuwaang nararamdaman ng mga estudyante, guro at lalong lalo na ang mga magulang ng magaaral sa naging pahayag ng Pangulong BBM na siyang susi sa paglobo ng mga estudyante sa nasabing mga paaralan kayo ang katuwang ng Pangulong Marcos para sa de kaledad na edukasyon.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring magemail cesarbarquilla2014@yahoo. o mag text or tumawag sa 09352916036