Advertisers
MAINIT nang pinag-uusapan ngayon ang magiging tandem nina Vice President Sara Duterte at ex-President ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria M. Arroyo.
Pumutok ito nang sumulpot si GMA sa isang okasyon na inorganisa ni VP Sara. Tapos ay lagi na silang magkasama sa mga programa ng Bise Presidente.
Si Sara ay maagang nagdeklara na pagtakbong pangulo sa 2028, habang nasa kasagsagan ng impeachment proceedings sa Kamara laban sa kanya.
Basa ng mga political analyst, ang pagdeklara ni Sara ay para lamang takutin ang mga mambabatas sa gumugulong na impeachment sa mababang kapulungan.
Lumalabas kasi sa mga presidential survey ngayon na nangunguna si Sara sa mga ibobotong presidente sa darating na halalan.
Pero nawalan narin ng kridibilidad ang mga survey. Dahil sa nakaraang eleksyon, ang mga kulelat sa survey sa senatorial race ay lumabas sa eleksyon tulad nina Bam Aquino at Kiko Pangilinan.
At dito sa nakalipas na special election para sa pagkakongresista ng Antipolo City, ang nanguna sa survey na endorso ni VP Sara ay nilampaso ng kulelat sa kanilang survey. Mismo!
Balikan natin ang pagpasok sa eksena ni GMA na sinasabing maging ka-tandem ni Sara sa 2028.
Kung si GMA nga ang maka-tandem ni Sara sa presidential election, sa tingin ko ay maging pabigat lang sa kanya ang dating pangulong ito. Bakit?
Si GMA ay tainted narin ng korapsyon, pareho lang sila ni Sara. Igo-google n’yo!!!
Yes! Si GMA ay ilang taon nakulong sa kasong Plunder pagkatapos ng kanyang termino, nang umupo si late President Noynoy Aquino.
Nabasura lamang ang mga kaso laban kay GMA nang maging pangulo si Rody Duterte, ang ama ni Sara.
Si GMA ang isa sa mga gumastos ng malaki sa kandidatura ni Digong noong 2016. You know!!!
Hindi nga malayong tumakbo itong VP ni Sara sa 2028.
***
Kaabang-abang ngayong Mierkoles, Marso 18, ang magiging desisyon ng Commission on Election (Comelec) sa kaso ni Senador Rodante Marcoleta, hinggil sa ‘di pagkakatugma at pagsisinungaling ng huli sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth ((SALN) sa kanyang SOCE (Statements of Contributions and Expenditures) sa nakaraang eleksyon.
Sinabi ni Comelec chair George Garcia na hinimay nilang maige ang kasong ito ni Marcoleta, at magdedesisyon sila base sa mga ebidensiya at ayon sa batas. Wish ko lang!
May isa pang matinding kakaharaping kaso si Marcoleta, ito ay ang natuklasan ni Sen. Ping Lacson sa pagkakakumpirma ng Commission on Appointment (CA) kay dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
Isang miembro daw ng CA ang humirit ng mga project kay Bonoan noon bago ito makumpirma ng CA. Hmmm…
Si dating DPWH Usec. Roberto Bernardo ang nagbulong nito kay Lacson. Boom!
Si Marcoleta, noo’y kinatawan ng SAGIP Party-list at miembro ng CA, ang isa sa nagpursige noon para makumpirma si Bonoan. Alam na!
Subaybayan!