Advertisers
PALUSOT ni Franco Mabanta, ang founder/chairman ng Peanut Gallery Media Network (PGMN), hindi niya kinikikilan si dating House Speaker Martin Romualdez.
Na-setup daw siya dahil sa nakatakda niyang pag-expose sa mga katiwalian ni Romualdez noong lider ito ng Kamara, kungsaan nagkaroon ng malawakang katiwalian sa pondo ng flood control projects.
Si Mabanta at ilan niyang anchors sa PGMN ay dinakma ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang function room ng Valle Verde Country Club sa Pasig City 5:30 ng hapon ng Martes, Mayo 5, 2026, nang tanggapin ang tatlong maleta ng pera na nagkakahalaga kuno ng kabuuang P70 million, bilang unang bagsak sa kabuuang hinihirit niyang P300m na kapalit para hindi maikalat ang umano’y pagkakasangkot ni Romualdez sa anomalya sa flood control projects.
Actually, P50,000 lang daw ang tunay na pera sa entrapment money, the rest ay fake P1k bills.
Iginigiit ni Mabanta na na-setup siya. Wala raw siyang ginawang pangingikil. Pero sa mga lumabas na video partikular ang pag-uusap nila ng isang NBI agent sa cellphone, maririnig na inaatasan ni Mabanta ang agent na may dalawang tao niya na naka-facemask at naka-jacket ang sasalubong para silang magbibitbit ng tatlong maleta ng pera. Sa conversation nilang ito ay malinaw na alam niyang darating na ang hinihirit nilang pera. Ang hindi lang nila alam ay entrapment operation ito, at makukulong sila. Mismo!
Pero tama si Mabanta, na-setup nga siya. Eh yun naman talaga ang entrapment operation sa isang nangingikil, kailangan caught in thre act, papainan ito at aarestuhin pagkatanggap ng kinikikil. Opo!
Sa mga hindi pa nakakakilala sa pagkatao ni Mabanta, dati siyang commercial model, minsan naging media personality, hanggang sa maging political vlogger at naglaro sa noo’y tandem nina Bongbong Marcos at Sara Duterte. Isa siya sa mga nagwalanghiya kay Leni Robredo nang tumakbong pangulo ang huli noong 2022.
Pero nang mawasak ang relasyong BBM at Sara, mas pinili ni Mabanta ang pumanig kay Sara. Siguro dahil mas malaki maghatag ang Duterte. Kuripot nga kasi si Marcos. Hehehe…
Balikan natin ang pagkadakma kay Mabanta at sa ilang notorious anchors ng PGMN, kung tunay nang may-expose sila ng katiwalian ni Romualdez, magandang mailabas ito sa publiko at maimbestigahan para malaman ang katotohanan.
Ang iba pang anchors ng PGMN ay ang mga DDS na sina James Deakin, Greco Belgica, Rowena Guanzon, Regal Oliva, Loraine Badoy at Eric Celiz.
Actually si Guanzon ay pekeng DDS. Isa siyang political butterfly, na kungsaan ang mabango ay doon dadapo. Hehehe…
Sina Belgica, Badoy at Celiz naman ay tama lang maging DDS dahil malaki ang naging pakinabang niya nung presidente si Digong. Mismo!
Ang tanong ngayon ay kung may piyansa ba ang kaso ni Mabanta?
Ang korte na ang sasagot niyan. Abangan!