Advertisers

Advertisers

NBI nagsalita sa paggamit ng marked money vs Mabanta

0 6

Advertisers

DINEPENSAHAN ni National Bureau of Investigation (NBI) Director, Atty. Melvin Matibag, ang paggamit ng NBI na P75 million “budol money” bilang marked money sa operasyon kaugnay ng pag-aresto sa grupo ni Peanut Gallery Media Network (PGMN) founder Franco Mabanta.
Ito ay matapos kuwestiyunin ni dating Comelec Commissioner, Atty. Rowena Guanzon, ang perang ginamit sa operasyon dahil freeze aniya ang account ni dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez.
Ayon kay Matibag, karaniwang ginagamit na pamamaraan ng law enforcement agencies ang paggamit ng “marked money” o “budol money” sa mga entrapment operation.
Ipinaliwanag ni Matibag na tunay na pera lamang ang inilalagay sa ibabaw ng mga bundle, habang ang natitirang bahagi ay binubuo ng dummy bills.
Inamin din ng NBI Chief na walang inilabas na aktuwal na pera si Romualdez, bilang complainant sa extortion case laban kay Mabanta.
Aniya, ang perang ginamit nila ay mula sa intel fund ng NBI na ginagamit sa mga operasyon tulad ng kay Mabanta.