Advertisers
MAHIGIT 600 pamilya o tinatayang higit 1,800 residente ang nawalan ng tirahan nang sumiklab ang malaking sunog sa Lower Barangay San Antonio, Parañaque City.
Ayon kay Fire Supt. Liher Barrios, city fire marshal, tinatayang mahigit 300 kabahayan ang natupok ng apoy at umabot sa humigit-kumulang P900,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian.
Nagsimula ang sunog 11:00 ng gabi ng Miyerkoles, Mayo 6, at mabilis na kumalat dahil sa malakas na hangin at dikit-dikit na kabahayan.
Umabot ang sunog sa Task Force Alpha 2:36 ng madaling-araw ng Huwebes, Mayo 7.
Pito katao ang naiulat na nasugatan sa insidente, kabilang ang isang 40-anyos na lalaki na lasing nang mangyari ang sunog.
Wala namang naiulat na nasawi sa sunog, na tuluyang nakontrol 5:50 ng madaling-araw.
Nahirapang apulahin ang sunog dahil bukod sa malakas na hangin, malayo sa kalsada ang mga naapektuhang bahay.