Advertisers
PINIRMAHAN na ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang House Bill No. 8418 o panukalang batas na magbibigay sa pangulo ng Pilipinas ng kapangyarihan para suspindehin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo sa panahon ng national o global economic emergency.
Matapos lagdaan ay agad ipinadala ng Kamara sa Senado ang panukala na layuning maibsan ang epekto ng pagtuloy na pagtaas sa presyo ng langis dulot ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Maari itong gawin ng pangulo batay sa rekomendasyon ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) at sa pakikipag-ugnayan sa Department of Energy (DOE).
Magiging batayan nito kung aabot o lalagpas sa 80 US dollars ang kada bari-les ang presyo ng Dubai crude oil, o kung may idineklara na state of national emergency o kalamidad.
Ang panukala ay sinertipikahan ding urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.