Advertisers

Advertisers

PBBM SA PNPA GRADUATES: SERVE WITH INTEGRITY, PROTECT RIGHTS

0 13

Advertisers

SA pagdiriwang ng ika-47 Commencement Exercises ng Philippine National Police Academy (PNPA) para sa “Silang Paglaom” Class ng 2026, muling pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bagong graduates na ang paglilingkod sa pulisya ay hindi lamang tungkulin kundi isang panata: zero tolerance sa korapsyon at paglabag sa karapatang pantao.

Ang tiwala ng publiko sa PNP, ayon sa Pangulo, ay unti-unti nang bumabalik, ngunit nananatiling marupok at dapat patatagin sa pamamagitan ng integridad at pananagutan.

“Alam kong marami pa rin sa ating mga mamamayan ay may alinlangan sa kapulisan,” ani Pangulo Marcos. Ito ay malinaw na paalala na ang pagiging tapat at makatarungan ng mga opisyal ay pundasyon ng pampublikong kaligtasan.

Binigyang-diin ni PBBM na ang anumang uri ng katiwalian at paglabag sa karapatang pantao ay walang puwang sa serbisyo ng pulisya. “Our security is weakened when the hands sworn to protect are tainted,” sabi niya.

Ito rin ang dahilan kung bakit iniutos niya ang mas disiplinadong presensya ng PNP sa mga komunidad at mas mahigpit na internal accountability upang muling maibalik ang tiwala ng mamamayan.

Kasabay nito, nagpaalala si Pangulong Marcos sa PNP at NAPOLCOM na dapat ipatupad ang mahigpit na zero-tolerance policy laban sa korapsyon at paglabag sa karapatang pantao, at tiyaking mabilis at patas ang imbestigasyon sa mga opisyal na lumalabag sa batas.

Maraming kaso na ang naikasa, at may kaakibat na disiplina sa mga lumabag sa kanilang panata.

Ang ganitong transparency, dagdag pa niya, ay mahalaga upang maibalik ang kredibilidad ng pulisya.

Hindi rin nakaligtaan ng Pangulo ang aspeto ng moral at espiritwal na paghubog sa mga pulis, kabilang ang mga nationwide moral recovery sessions upang palakasin ang etikal na pamantayan ng mga opisyal. “Ginagawa natin ang lahat ng mga ito dahil ang tunay na lakas ng ating kapulisan ay nasa kalinisan ng inyong dangal at prinsipyo,” dagdag ng Chief Executive.

Kasabay nito, hinimok ni Marcos ang mga bagong graduates na maging liwanag sa kanilang mga komunidad, ipagtanggol ang hustisya lalo na sa mga naaapi, at manatiling tapat sa Saligang Batas at sa sambayanang Pilipino.

Ang “Silang Paglaom” Class, “Sinanay Na Alagad Ng Kapayapaan Na Maglilingkod Sa Pilipinong Mamamayan,” ay sinasabing simbolo ng bagong henerasyon ng pulis na inaasahang magpapatibay sa institusyon, magtataguyod ng kaayusan, at magbibigay ng pag-asa sa bawat Pilipino sa ilalim ng “Bagong Pilipinas.”

***
Catch Gilbert Perdez on “IZ Balita Nationwide” over DWIZ 882 AM and ALIW Channel 23 every Saturday from 6:00 AM to 7:00 AM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ AM Radio, the DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ On-Demand on YouTube. You can contact him via email at gil.playwright@gmail.com
or at 0991-354-3676.