Advertisers

Advertisers

BAKIT NGA BA, SENATOR RISA?

0 6

Advertisers

“MAHIHIYA” ang mga respetado at hinangaan na mga ‘dramatic actress’ ng bansa katulad ni Nora Aunor sa madramang eksena ni Senator Risa Hontiveros noong Lunes sa Senado at sa kanyang tanong na “bakit” daw “bumagsak” na ang kredibilidad ng Senado?

Kung may mahalagang “aral” itong mga Pinklawan at iba pa nating pulitiko sa “amo” nilang Amerikano ay ito: ‘erasure narrative leading to always playing the victim.’

‘Yun bang… “piliin” ang mga detalye ng isang kuwento para palabasin na sila ay inosente at mga biktima pa nga.

Sa ganang atin, ang pekeng hinaing ni Hontiveros ay kolektibong posisyon ng kanilang grupo sa Senado na ngayon ay ‘Grupong Luhaan” matapos maging minorya pagkaraan ng naging palitan ng liderato sa Senado noong isang linggo.

“Bakit” bumaba na ang respeto ng publiko sa Senado? Sa ilalim kasi ng walang “yagbols” na liderato nitong si Tito Sotto at Ping Lacson, naging “masunuring aso” ng Palasyo ang Senado, sampu ng kanilang mga kasamahan sa mayorya noon.

Ano na bang nangyari sa imbestigasyon sa trilyones na flood control project scam sa ilalim ng Senado ni Sotto, Lacson at Hontiveros? Wala na.

At bakit ang lihim pala nilang agenda ay ‘Charter Change’ para makapanatili pa sa poder at hindi kung paano iaahon sa kumunoy ng krisis at kahirapan ang mga Pilipino.?

Bakit din sa ilalim ng Senado ni Sotto, Lacson at Hontiveros, nakahanda pala silang isuko ang ating soberenya at handa silang ipaaresto ang isa nilang kasamahan at ipakulong ng isang dayuhang korte dahil ito ang gusto ng Palasyo?

Pero sa kuwento nila, hindi na kasama ang mga pangyayaring ito at ang patuloy na kawalan ng kaayusan sa Senado ay dapat ibintang sa bagong mayorya.

Hindi ba, ‘erasure narrative leading to playing the victim’ ang tawag dyan?

At pagkatapos “didiga” ng tanong na “bakit” itong “kaibigan” ni Ronald Llamas?

“Buking” na ang mga estilo ninyo, hane? And yes, hindi ka magiging presidente. Sa school PTA ka tumakbo at baka may tsansa ka pa, madam. Abangan!