Advertisers
ANIM na senador ang posible hindi makatayong Senator-Judge sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio kapag nasampahan ng Ombudsman ng kasong Plunder ang mga ito.
Ito’y sina Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, Chiz Escudero, Rodante Marcoleta, Bong Go, at Bato dela Rosa.
Actually, si Estrada ay sinampahan na ng Ombudsman ng plunder case sa Sandiganbayan kaugnay ng kickback sa ghost flood control sa Bulacan. At sa mga sunod na araw ay malamang na mag-isyu ng arrest ang graft court laban sa kanya. Araguy!!!
Sa loob ng dalawang linggo, ayon kay Ombudsman Boying Remulla, sasampahan narin ng plunder si Villanueva. Kaugnay din ito ng kickback sa ghost flood control sa Bulacan.
Hinog na raw ang kasong ito laban sa pastor ng Jesus is Lord (JIL), say ni Boying. Tsk tsk tsk…
Sunod ay si Escudero. Nasa proseso na, sabi ni Boying, ang pagsasampa ng plunder laban sa dating Senate President. Kaugnay din ito ng kickback sa multi-billion flood control anomaly.
Aray ko, ang heart ko. Hehehe…
At kay Marcoleta, ayon sa Ombudsman, katulad ng kay Chiz ay nasa proseso narin ang pagsasampa ng kasong pandarambong laban dito. Kaugnay naman ito ng hindi niya pagdeklara ng P75 million campaign contribution sa kanyang SOCE at SALN sa nakaraang national election. Araguy!!!
Si Bong Go naman ay malamang na maisyuhan na ng International Criminal Court (ICC) arrest warrant anumang oras. Kabilang kasi siya sa co-perpetrators ni ex-President Digong Duterte sa kasong crimes against humanity kaugnay ng mga patayang naganap noong termino ni Duterte.
At si Dela Rosa ay tiyak na hindi na magpapakita dahil sa wanted na ito sa ICC. Kapag naaresto kasi siya ay ibibiyahe agad siya sa The Hague, Netherlands kungsaan naka-base ang ICC, tulad ng pagkaaresto kay Duterte last year.
Oo! Kapag nagkataon, anim na DDS senators ang ‘di makapagdepensa kay VP Sara sa Impeachment Trial na nakatakdang simulan sa sunod na buwan. Tsk tsk tsk…
Ito ang dahilan kung bakit todo effort ngayon ang DDS majority senators, na pinamumunuan ni Alan Peter Cayetano, sa pagsulong na mapalitan ang Senate Rules na maaring dumalo via online ang nagtatago o nakakulong na senador.
Nitong mga nakaraang araw ay nag-walkout ang 11 minority senators nang tangkain ng DDS senators na isulong ang pagpapalit ng Senate Rules. Pero nang maramdaman ito ng minority ay kaagad silang nag-walkout ara mawalan ng qurom ang session.
Na-reset ang session sa Hunyo 2. Let’s see kung ano ang mangyayari sa ginagawang kabulastugang ito ng DDS senators.
Subaybayan!