Advertisers
HINDI isinasantabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang amyendahan o i-repeal ang Oil Deregulation Law upang tugunan ang epekto ng krisis sa langis.
Ayon sa Pangulo, bukas ang pamahalaan sa lahat ng posibleng hakbang, kabilang ang pag-alis ng ilang restriksyon sa pag-aangkat ng langis, ngunit nangangailangan pa ito ng mas mahabang pag-aaral at diskusyon.
Sa ngayon, binigyang-diin ni Marcos na nakatuon ang gobyerno sa agarang solusyon upang mapagaan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.
Dagdag pa niya, prayoridad ang mabilis na paghahatid ng tulong sa publiko habang patuloy na sinusuri ang iba pang pangmatagalang hakbang para sa sektor ng enerhiya. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)