Advertisers
Ni Beth Gelena
Umalma ang girlffiend ni Mark Leviste na si Aira Lopez sa paratang ng isang influencer.
Binatikos niya ang akusasyon ng mga online users tungkol sa kanyang performance sa My Daily Collagen Triathlon na ginanap sa Subic.
Itinanggi niya ang paratang ng netizens na siya raw ay gumamit ng isang pacer O nakatanggap ng ilegal na tulong mula sa labas
Sinabi ng triathlete na sinuri ng mga organizer ng karera ang isyu at beripikado ang mga resulta.
Hinimok ni Aira ang mga kapwa atleta na suriin muna ang mga katotohanan bago magbigay ng mga paratang na maaaring makasira sa reputasyon ng mga atleta.
Naglabas ng mensahe sa social media si Aira, para tugunan ang mga akusasyong kumakalat online tungkol sa kanyang pagtatanghal sa My Daily Collagen Triathlon na ginanap, kamakailan.
Ayon kay Aira noong una raw ay ayaw niyang magsalita sa publiko tungkol sa kanyang isyu.
Pero, dahil patuloy na kumakalat ang umano’y kanyang pandaraya ay nagpasya na siyang linawin ang lahat ang matigil na ang isyu.
Reputasyon na rin daw kasi ang nakasalalay bilang isang triathlete.
Aniya, “Nais kong gamitin ang sandaling ito upang magsalita at linawin ang mga akusasyon kaugnay ng aking kamakailang karera sa My Daily Collagen Triathlon sa Subic noong nakaraang linggo.”
“Nagsanay ako nang husto, nagsikap, at ibinigay ang aking makakaya para makapaglaro nang maayos. Gaya ng alam ng maraming atleta, hindi naman nafa-fake ang Strava,” aniya.
Isa sa mga akusasyong ibinahagi online ay nagsasabing nakipag-draft siya kasama ang isang pacer na hindi opisyal na kalahok sa karera na itinanggi naman niya.
“Bilang isang triathlete, dapat mong malaman na ang sinumang walang bib number ay hindi pinapayagan at hindi maaaring makapasok sa race course. May mga cone, marshal, at mga opisyal ng karera na nagbabantay sa buong ruta,” paliwanag niya.
Nakatanggap din daw siya ng tulong mula sa labas habang nasa karera sa pamamagitan ng pagtanggap ng tubig o yelo. Ang paliwanag niya, ang ganitong mga sitwasyon ay hindi naman pangkaraniwan sa mga endurance event, lalo na kapag ang mga lokal na residente ay nag-aalok ng tulong sa mga atleta sa ruta.
“This actually happens in many races—even in Ironman events. During the run in places like Cebu or Davao, we sometimes pass local homes where residents kindly offer athletes water or ice.”
Na-disappoint daw siya na ang alegasyon sa kanya ay ipinost pa sa publiko instead of being discussed privately.
“As a fellow woman in the sport, I expected a little more understanding and support before making public assumptions. If you had questions, you could have simply messaged me or asked the organizers directly,” she said. Despite the controversy, Aira reaffirmed her commitment to the sport and her integrity as an athlete. “Triathlon is my passion. It’s something I deeply respect, and I would never do anything that would compromise my integrity as a person and as an athlete,” dagdag pa niya.