Advertisers
NAKUHA ng Ateneo de Manila Midgets B (Born 2013) team ang back-to-back championship nang muling nagwagi sa 2026 RIFA Football Tournament.
Kahanga-hangang teamwork ang ipinamalas ng team sa pangunguna ng team captains na sina Jacob Navarro, Miguel Tagarda at Ryan Moti.
Bago nakuha ang kampeonato, hindi naging madali para sa Ateneo ang makapasok sa finals.
Sa last elimination laban sa Don Bosco Makati maagang naitala ng katunggaling team ang 0-1. Pero hindi naman pinaghinaan ng loob ang Ateneo Team at naka-iskor din si Jacob Navarro sa tulong ni Miguel Tagarda.
Si Jose Bernal naman ang nagbigay ng winning goal para sa team.
Sinubukan pa ng mga manlalaro ng Don Bosco na maka-iskor pero ilang beses naharang nina Ryan Moti at ng goalkeeper na si Niall Enciso.
Natapos ang game sa score na 2-1 kaya nakakuha ang Ateneo ng slot para sa Division 1 Cup Semi-Finals.
Sa Semi-Finals nakalaban naman ng Ateneo ang De La Salle Zobel.
Matapos ang 0-1 score pabor sa La Salle agad na bumawi ang Ateneo at nagbogay ng crucial banger si Miguel Tagarda.
Sa second half muling lumamang ang Zobel pero hindi nawalan ng pag-asa ang Ateneo at nagawang makatabla sa pamamagitan ng iskor mula kay Zac Diaz sa tulong ng assist ni Jacob Navarro.
Sa huli naipanalo ng Ateneo ang laban at nakapasok sa Finals.
Sa Championship match laban sa Claret dinomina ng Ateneo ang buong laban at nagtala ng 5–1 victory.
Ito ay sa pangunguna ni Jacob Navarro. Navarro na ipinamalas ang galing at liderato dahilan para itanghal siyang Tournament MVP.
Ang tagumpay ng Ateneo ay pagpapakita ng hindi matatawarang determinasyon, strong character, at kanilang tiwala sa bawat isa.
Ang kanilang back-to-back win ay bunga ng kanilang sakripisyo sa tuling ng kanilang Coaches na sina Nelson Sadon at Erwin Mallorca.