Advertisers

Advertisers

5 PULIS PATAY, 3 SUGATAN SA AMBUSH!

0 14

Advertisers

NASAWI ang limang miyembro ng Philippine National Police (PNP) nang tambangan sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur Sabado ng gabi, Marso 28.
Kinilala ang mga nasawi na sina Patrolmen Kenneth Perocho, Al-Fatah Marohom, Amil Bangsa, Arsenal Sivih at Sayed Ridwan, mga kasapi ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office.
Sugatan naman ang kanilang mga kasamang sina Lt. Alfred Gregory, Staff Sgt. Adam Kamarudin Kansi at Patrolman Abubakar Lauban na agad naisugod ng mga emergency responders sa Bangsamoro Regional Hospital na hindi kalayuan sa kungsaan naganap ang pananambang.
Sa ulat ng local executives at ng officials ng Maguinda-nao del Sur Provincial Police Office, galing ang mga biktima sa night time duty sa sentro ng Shariff Aguak, at pabalik na sakay ng isang patrol vehicle sa Camp Datu Akilan, ang command base ng Ma-guindanao del Sur police force, nang tambangan ng grupong armado ng assault rifles.
Nagpaabot ng pakikiramay ang PNP sa pamilya ng mga nasawing pulis.
Pangatlong ambush na ito sa highway na nag-uugnay sa sentro ng Shariff Aguak at Maguindanao provincial police camp mula pa 2018. May mga casualty din na mga pulis sa dalawang mga magkatulad na insidente sa naturang highway, noong January 1, 2018 at June 15, 2023.
Ang mayor mismo ng Shariff Aguak, si Akmad Baganian Ampatuan, Sr., naging biktima rin ng pananambang mahigit dalawang buwan palang ang nakakalipas. Sakay siya ng isang bullet proof sports utility vehicle na tinira ng B40 anti-tank rocket ng isa sa tatlong ambushers na nakaabang sa kanto ng mataong kalye sa sentro ng naturang bayan.
Bahagyang na-damage ng sasakyan ng mayor na tinamaan ng anti-tank rocket. Nakaligtas si Mayor Ampatuan sa atake, na nagsanhi ng mga hindi maselang galos sa katawan ng kanyang dalawang mga kasama.(Mark Obleada)