Advertisers
Ni Anne Venancio
Dedma ang aktres na si Arci Muñoz sa matagal nang usapin tungkol sa kanyang itsura at umano’y cosmetic enhancements.
Aminado siya na noon pa man ay bukas na siya sa mga naging facial improvements at hindi niya ito itinatago. Giit niya, ginagawa lang niya kung ano ang nagpapasaya sa kanya.
“Hindi ako naapektuhan. Basta ginagawa ko lang kung ano ang gusto ko,” pahayag ng aktres.
Para kay Arci, mas mahalaga ang pagbibigay ng buong effort sa bawat proyektong kanyang ginagawa kaysa sa anumang isyu tungkol sa kanyang itsura.