Advertisers

Advertisers

Google Updated Sa Mga Performances Ni “Pop Rock Diva” Rozz Daniels; Dovie San Andres, Iniingatan Ang Singsing Na Bigay Sa Kanya Ng Actor Na Si Khristian Villanueva

0 5

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

Nagsisimula pa lang ng kanyang career dito sa Pinas ang “Pop Rock Diva” na si Rozz Daniels. At bale dalawang single pa lang ang na-i-rereleased ni Rozz na first ay yung kanyang original christmas single na “My One Love On Christmas Day” at revival ng “Bulong Ng Damdamin” na globally release this 2026 na parehong likha ng iconic composer na si Doc Mon del Rosario. Pero, hayan at kinilala na si Rozz ng GOOGLE, at inelevel pa sa mga sikat nating celebrities. Ang bongga di ba?

Imagine hindi lang ang solo concert nito sa Viva Cafe ang nasa research ng Google sa personal background at profile ni Rozz. Maging ang educational attainment ng Independent Concert Queen(Rozz) at naging line of job at corporate job sa US, awards, performances sa US at Hawaii at pagsali sa iba’t-ibang international Singing Contest ay nasa lists lahat ng Google. Also her recent and upcoming performance. Mala wikepedia na ang ginawa ng Google sa said international singer. Agad namang pinasalamatan ni Rozz sa kanyang social media account ang Google sa pag-acknowledge ng mga ito sa kanyang personal background and showbiz career. Nakatataba nga naman ng puso at inspired ang bigyang honor ka ng the world’s most popular search engine.

By the way, this year ay marami kayong aabangan kay Rozz. Yes aside sa kanyang full-blast promo for her latest single revival na Bulong Ng Damdamin na naka-schedule na this year of June to August her physical appearance sa radio and TV guestings and mall show. At this September to December para sa promo naman ng My One Love On Christmas Day. Na ngayong September ay may big concert si Rozz. Ngayong April bago ang big promotion ni Rozz ay magre-recording siya ng another revival ng hit song ni Renz Verano na “Ibang-Iba Ka Na” na cinomposed ni EBQ. Yes, may nag-aantay na another title for Rozz Daniels. At yan ay ang “Revival Queen.” At entitled siya sa titulong yan at next year of 2027 ay dalawang kanta pa ang nakatakda nitong i-revive. Grabe, super busy ang schedule ni Rozz this year.

***

Tuwing sumasapit ang petsang February 17, ay laging bumabalik sa alaala ng Social Media Personality na si Dovie San Andres ang Indie actor na si Khristian Michael Villanueva. Ito kasi ang araw ng kamatayan ni Khristian, na napanood sa ilang pelikula kabilang na ang “Agulo” ni Direk Reyno Oposa na pinagsamahan nila ng namayapa na ring international best actor na si Kristoffer King. Tulad ni Kristoffer ay ilang years na ring namaalam sa mundo si Khristian.

Bakit ganoon, na lang kung alalahanin ni Dovie si Khristian. At bakit lubhang napaka-importante sa kanya ng actor? Kasi minahal siya nito, hindi dahil sa kanyang pera. Kundi totoo at tapat ang naging hangarin at pagtingin ni Khristian kay Dovie. Sa katunayan, bago pa ito nasawi ay naglambing pa siya kay Dovie. Na from Canada ay pinagbakasyon niya uli ito sa Pinas at siya mismo ang susundo sa airport. At handa ng ipakilala ni Khristian si Dovie sa kanyang pamilya sa Laguna at sasamahan rin nito ang girlfriend si Dovie sa pamilya nito sa Bicol. Magiging couple na sana ang dalawa pero, hindi na nga ito kailanman mangyayari dahil wala na nga ang nasabing actor. Pero namaalam man ito ay nasa puso at isipan pa rin ni Dovie ang mga masasayang pinagsamahan nila ni Khristian noong magbasyon siya sa Pinas noong 2018. At binigyan pa siya ni Khristian ng singsing na nakaukit ang imahe ni Jesus Christ. Pinakaiingatan ito ni Dovie at lagi niyang suot. Ang isa pang happy memories nito kay Khristian ay ang madalas siyang sabihan nito ng “Mahal na mahal kita Dovie.” Nakatatak ito sa puso ng socmed personality at kailanman ay hindi ito mabubura lalo’t galing ito sa lalaking minahal niya. At kung umabot sila sa normal na ginagawa ng mag-siyota? Oo niyaya ni Khristian si Dovie na magtabi sila, pero nakontrol ng huli ang kanyang sarili at malaki ang paggalang nito sa kanyang pagkababae. Naka-aadmire ang tulad ni Dovie San Andres na never nagpatukso sa tawag ng laman. Hindi aabot si Dovie, na isasakripisyo ang health para sa boylet.