Advertisers

Advertisers

HELL UNIVERSITY NG VIVA ONE MAGHAHASIK NG LAGIM

0 2

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Ang home of the best Wattpad series adaptations ay handa na muling magbigay ng treat para sa mga manonood!

Ang webnovel mayroong mahigit 178 million reads sa Wattpad at ang multi-best-selling boon ni KnightInBlack ay handa nang maghasik ng lagim at maging isang series adaptation. Co-produced ng Studio Viva at Webtoon Productions, ang inaabangang palabas na ito ay handa nang isama ang manonood sa isang hell of an adventure – abangan ang Hell University sa Viva One!

Tungkol sa isang lugar na magulo, marahas, mapagmalupit at nakatago sa mundo, ang Hell University ay isang paraalan na hindi kontrolado ng gobyerno. libre ang tuition fee at pagkain. Wala kang iisipin… kundi ang iyong kaligtasan. Dahil sa Hell University nangyayari ang Bloody Night, kung saan mula 7pm hanggang 5am, puwedeng mangyari lahat ng karasahan, maging ang patayan.

Isang grupo ng magkakaibigan ang mapapadpad sa Hell University at magiging mga estudyante. Makikila rin nila ang mga gang na naghahari-harian sa lugar na paaralan. Dito magsisimula ang kanilang kalbaryo dahil kailangan nilang manatiling ligtas hanggang sa makataas sa malagim na lugar na ito.

Kailangan nilang maging matalino, mapagmasid, at ingatan ang mga sarili… hanggang sa makalaya sa Hell University.

Mapapanood sa inaabangang series na ito ang next generation ng mga bida na hindi magpapatalo pagdating sa aktingan.

Gaganap sa role na Zein ang aktres na si Heart Ryan. Matapang, malakas ang loob, gagawin Zein ang lahat para protektahan ang kaniyang mga kaibigan. Si Zein rin ay mahuhulog ang loob sa Supremo ng Hell University na si Ace.

Mula sa mga supporting roles ni Heart Ryan sa mga seryeng Kurdapya at Da Pers Family, at pagbida sa horror film na Nanay, Tatay, ready na si Heart na maging lead star at siguaradong mas lalabas ba ang kanya husay sa seryeng ito.

Naging isa sa supporting roles sa ang Mutya ng Section E, bibigyan na ng big break ang up-and coming actor na si Zeke Polina sa pagganap niya bilang Ace Craige, ang Supremo o Supreme Student Council President sa Hell University.

Misteryo, tahimik, pero malakas ang dating, isa si Ace sa mga estudyanteng hindI mo gugustuhing banggain dahil tiyak na peligro ang kalalagyan mo.

Mula naman sa success ng kanilang University Series na Avenues Of The Diamond, muling magpapanood sina Lance Carr at Aubrey Caraan o “LanceBrey” sa panibagong kuwento sa pagganap nila bilang sina Raze at Samantha.

Gaganap si Lance bilang Raze, ang leader ng gang na Devil God Warrior. Misteryo, basagulero, si Raze ay laging may suot na mask at pula ang kanang mata.

Si Aubrey naman ay si Samantha, isang dating estudyante ng Hell University na madalas maikumpara kay Zein. Ang kanyang nakaraan ay nakatali sa mga sikretong nakakubli sa paaralan.

Kasama rin sa serye si Andre Yllana at gaganap bilang Matt, isa sa mga kaibigan ni Zein na nakapasok din sa Hell University. May lihim na pagtingin din siya kay Zein.

Kasama rin sa serye bilang mga kaibigan ni Zein sina Gabbi Ejercito na gaganap bilang Mia, si Derrick Ong bilang Dave, Jac Abellana bilang Jerome, at Jastine Lim bilang Vanessa.

Mga bagong karakter na maghahatid ng gulo at delubyo mula sa isang kuwentong isusumpa mo ang kalupitan.

Mababalot ng kadiliman ang bawat panonood niyo ng… Hell University, malapit na sa Viva One!