Advertisers
NAKAMIT ni Emmanuel “Jimuel” Pacquiao Jr. ang unang panalo sa Professional Boxing matapos ma-knockout sa ikalawang round pa lamang ang American fighter na si Darrick Gates sa 4-round lightweight fight ngayong Sabado (Manila time) sa Pechanga Resort and Casino sa California, USA.
Matapos ang isang dikit na unang round, agad umatake si Pacquiao sa ikalawang round.
Nakakonekta siya ng sunod-sunod na suntok, na tinapos ng isang hook, dahilan upang bumagsak si Gates.
Si Gates, na isa ring bare-knuckle fighter, ay nakabangon pa bago matapos ang 10-count ng referee, ngunit muli siyang napabagsak dahil sa isang body shot
Sa pagkakataong ito, itinigil na ng referee ang laban matapos ang isang minuto at 34 na segundo ng ikalawang round at idineklarang panalo via Technical Knockout (TKO) si Pacquiao.