Advertisers

Advertisers

ONLINE LENDING SCAMMERS ON THE LOOSE

0 6

Advertisers

SURVIVAL of the fittest nang tunay sa daigdig na ito partikular sa bayan ni Juan lalo na ang naglipanang kampon ni ‘taning sa online platform.

Walang pinipiling araw kahit mahal na araw at panahon ng pagtitika ng kasalanan ng sanlibutan sa Panginoon.

Kaydami na ng mga reklamo at panawagan na nakarating sa ating desk kaugnay ng walang kapararakang pambibiktima ng mga budol sa online lending na wala nang takot gumawa ng krimeng lantarang pandedekwat sa pinagpagurang pera na naka- prontang sila ay nagpapahiram ng pondo sa madaliang proseso na kanila pang ina-advertise sa social media.

Isa si Juan sa maraming naiskam ng sindikato ng online pautang.Need niya kasi na mag-expand ang kanyang munting negosyo kaya kumagat siya sa pain ng mga animal na online budoleros.

Bawat piso ay mahalaga kay Juan upang mag- expand pero nang aniya ay tapos na siyang magsumite ng personal na impormasyon ay hiningan siya agad ng membership fee kuno o assurance na bayad.

Wala pang isang libo ang hinihingi kaya kumagat siya aniya, tutal ay may kalakihan ang kanyang nilo- loan.

Bago ihulog ni Juan ang fee kuno ay siniguro nito sa katransakayon sa online kung may mga babayaran pa ay pagisahin na lang para minsan lang ang bigat.

Nang ani Juan ay nai g-cash niya ang fee ay humingi uli ang lender kuno ng processing fee na libo na ang halaga.

Hulug na hulog sa bitag si Juan sa kagustuhan niyang matanggap agad ang inuutang dahil nasundan pa ng panibagong fee para sa paglipat daw ng pera sa bank account etc.

Di daw namamalayan ni Juan na malaki na ang nabubunot sa cuarta moneda niya na pinatindi pa ng demand ng lender na need ng bayaran ang first month ng interes kahit na ni sentimo ay ala pang natatanggap ang pobre na muntik na niyang kagatin pero wala na rin pala siyang pera.Nabawasan na niya ang baong pambakasyon para sa Semana Santa.Ang pinaka-klasik ay laho na ang linya ng komunikasyon ng katransaksyon kaya nganga ang ating kawawang bida.

Pihadong di lang si Juan ang biktima ng mga online lending criminals kaya kahit na sa banal na araw ay nangulimbat silang mga kalahi ng mga mandarambong na kongresista.

There’s no such thing as perfect crime.Me butas iyan para ma- trace sila sa kanilang lungga.

Matitimbog din kayong mga ulupong na alagad ng iskampon ni demon.

Kung tao pa kayong mga budol kayo ,tandaan nyo KARMA is real. Iyang perang nadenggoy nyo sa mga pobre,kung pinakain nyo sa pamilya nyo ay kanser ang dulot nito at kung pinagliliwaliw nyo sa pag-tour sa iba’t- ibang lugar ay tiyak na kapahamakan ang inyong destinasyon.

You can fool Juan once,twice or thrice but not all the time…kinakalampag ng Uppercut ang mga otoridad sa cyber para GAME OVER!

Kayong mga mambabatas na madugas, sa halip na pandarambong sa kaban ng bayan at ang impeachment ang atupagin ay gumawa naman kayo ng batas kung paano malulutas ang ganitong krimen sa bayan na napakadali lang ang lunas dahil nariyan lang sa tungki ng inyong celphone ang lungga ng mga hayop sa damong iskammers on the loose.Lipulin ang mga KRIMINAL sa online ASAP!!

***

DAPDAP SPORTSFEST SA BICOL

ISANG malaking kaganapan ang hahataw ngayong tag-araw sa buwan ng Mayo para sa kabataan ng Dapdap sa Pilar, Sorsogon.

Basketball 3×3 ,volleyball,softball/ baseball, chess at fun run ang ikakasa sa isang araw na sports festival sa Dapdap na matamang inaantay na ng mgakabataan doon.

May mga mahalagang sports equipments na kakailanganin para sa event kaya ating hihimukin ng pansin ang mga kaisport na may puso para sa sports..Isulong ang palakasan sa kanayunan… ABANGAN!