Advertisers
NASAGIP ang 4-anyos na batang lalaki ng mga awtoridad nang bugbugin ng kanyang stepfather sa Zamboanga City.
Ayon sa ulat, natagpuan ng pulisya ang bata na mahina at may mga pasa sa kanilang bahay sa Barangay Mampang noong Biyernes, Abril 3.
Tumugon ang mga awtoridad nang magsumbong ang ina ng bata tungkol sa pang-aabuso na ginagawa ng kanyang partner mula Abril 2.
“The mother managed to escape from the house while our suspect was in the restroom. She reported it to the police immediately. When the police responded, they found the child and the mother there. The child was covered in bruises,” ayon kay Police Captain Adzmar Anjawang, hepe ng Police Station 12 ng Zamboanga City Police Office.
Ayon sa pulisya, gumamit ang stepfather ng kawayan para saktan ang bata.
“But the suspect was not around when the police arrived. The mother also said that the suspect also hurt her,” dagdag ni Anjawang.
Dinala sa intensive care unit (ICU) ang bata dahil sa mga sugat sa mukha, pasa sa katawan, at bali sa ilong. Kalaunan, sinabi ng lola ng bata na wala na ito sa ICU at unti-unti nang nagpapagaling.
Naaresto rin ang tatay-tatayan, na nahaharap sa mga kasong serious physical injuries na may kaugnayan sa child abuse, pati narin sa pananakit sa kanyang live-in partner.