Advertisers
NGAYONG parating ang Araw ng Kagitingan, isa-isip natin na kailangan na nating lahat na magpaka-bayani, lalo na’t ang hidwaan sa Middle East ay tila wala nang katapusan, at malalagay sa alanganin ang lahat ng ekonomiya dahil sa pinagtatalunang gasolina.
Gasolina – Yan di ba ang pinaka-apektado sa hidwaang US-Israel at Iran, at iyang pinaka-mahalagang produkto sa mundo na iyan, ay ang problema nating lahat na hinaharap.
Paano naugnay ang kabayanihan, ang maaring tanong naman niyo? Dangan kasi, maliit man o’ malaki, ang ating iieffort, para makatipid ng gas at kuryente na gumagamit din ng gas, ay malaki nang kabayanihan nating maituturing.
Nahaharap tayo sa malaking problema, kung magpapatuloy pa ang kaguluhang ito. Kaya nga, ang kasalukuyang Administration ay nagsusumikap na din, na makahanap ng mga paraan para malutas ang suliraning katapusan sa enerhiya.
Dapat tayo ay ganun din. Sa anumang munting paraan ay tumulong tayo. Tipirin ang ating paggamit sa enerhiya. Gasolina man, o’ kuryente.
Sa ganung paraan, may naiambag naman tayong munting kabayanihan, kasi nga, nakikiisa tayo sa lahat na makatipid sa enerhiya.
Kabilang na rin diyan ang liquefied o’ mga gasul natin sa pagluluto. Lahat apektado, ika nga. Kaya ang inyong pakikiisa ay maituturing nang kabayanihan.
Ibang digmaan itong ating hinaharap. Baka maibalik tayo sa dati, kung di tayo makikibahagi ng ating kabayanihan.