Advertisers

Advertisers

Panibagong bigtime oil price hike kasado ngayon!

0 8

Advertisers

ASAHAN ang muling pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ngayong Martes, Abril 7.

Partikular ang itataas na halos P20 kada litro sa presyo ng diesel ngayong linggo.

Sa advisory ng Shell, P19.80 ang itataas sa presyo ng kada litro ng diesel, P5.90 naman sa gasolina habang P9.10 sa kerosene.



Ito na ang ika-5 magkakasunod na linggong na may bigtime oil price hike bunga ng giyera sa Gitnang Silangan.

Sa nakalipas na linggo, P12.50 ang dinagdag sa presyo ng kada litro ng diesel, P2.50 sa gasolina at P2 sa kerosene.



Ang inaasahang pagtaas ay bunga ng patuloy na pag-akyat ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, na direktang nakakaapekto sa lokal na presyo ng produktong petrolyo.

Nilinaw ng mga eksperto na ang mga presyo ay maaari pang magbago depende sa galaw ng world market trend.



Kung magpapatuloy ang trend na ito, inaasahang madaragdagan ang pasanin ng mga motorista at consumer, lalo na sa mga sektor na umaasa sa transportasyon at enerhiya.

Una nang inamin ni Energy Secretary Sharon Garin na malabong bumaba agad ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Ito ay bagama’t pumayag na ang Iran sa ligtas na pagdaan ng Philippine-flagged vessel, energy sources at Pinoy seafarers sa Strait of Hormuz.