Advertisers

Advertisers

Movie Producer Marcos Mamay nanumpa kay PBBM bilang VMLP National Vice President for Operations

0 6

Advertisers

Ni Anne Venancio

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa ng mga bagong halal na National Executive Officers ng Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) na ginanap sa President’s Hall, Malacañan Palace nitong Lunes, Abril 6. Kinabibilangan ito ng 1,634-miyembro.

Itinalaga bilang National President si Maynard Francis Bumanglag ng Pinili, Ilocos Norte, habang kabilang sa mga opisyal na nanumpa si Vice Mayor Marcos Mamay ng Nunungan, Lanao del Norte bilang National Vice President for Operations.

Sa kanyang bagong tungkulin, inaasahang pangangasiwaan ni Mamay ang pambansang implementasyon at koordinasyon ng mga programa ng liga, na nakatuon sa mas epektibong serbisyo publiko sa mga lokal na pamahalaan.
Binigyang-diin ni Mamay ang kanyang layunin na mapalapit ang mga programa ng VMLP sa grassroots communities, na may integridad, pagkakaisa, at epektibong pamamahala alinsunod sa layunin ng administrasyon na palakasin ang ugnayan ng pambansa at lokal na pamahalaan.

“Ang panunumpang ito ay hindi lamang karangalan kundi isang malaking responsibilidad. Sisiguruhin naming ramdam sa bawat komunidad ang mga programa ng liga,” aniya.

Samantala, bilang Adviser ng Actors Guild of the Philippines, aktibo rin si Vice Mayor Mamay sa larangan ng pagpoprodyus ng pelikula sa pamamagitan ng Mamay Productions. Natapos na rin ang shooting ng pelikulang “Kappa-tiran” tungkol sa fraternity, sa direksyon ni Neal Buboy Tan at line produced ni Shiela Lintan Torres. Kinunan ang ilang eksena sa Cabanatuan City at tampok dito sina Ejay Falcon, Sheryl Cruz, Aljur Abrenica, Patricia Javier, at Bembol Roco.

Kasama rin sa cast sina Mygz Molino, Bernie Batin, Sam Coloso, Chelsea De Guia, Dar Ismaeili, Julio Diaz, Emjay Macalintal, Marvin Diamante, Evander Cañete, Zandro Salgado, Romark Rosita, Mad Ramos, Ahmad Hussein Ramos, Jimsen Austria Jison, Emerson Capule, Julian Roxas, at Andre John.

Matatandaang unang ginawa ang life story film na “Mamay: A Journey to Greatness” na nag-uwi ng pitong tropeo sa 73rd FAMAS Awards, kabilang ang Best Supporting Actor (Jeric Raval), Best Production Design (Cyrus Khan), Best Cinematography (Gilbert Obispo), Best Musical Score (Direk Neal Buboy Tan), Best Song para sa “Hamon” (performed by Gerald Santos, composed by Vehnee Saturno), Producer of the Year para sa Mamay Productions, at Presidential Awardee para kay Hon. Marcos Mamay.