SC pinasasagot ang Kamara sa petisyon nina VP Sara, pero ‘di naglabas ng TRO…‘BLOODBATH’ SA APRIL 14, TULOY!
Advertisers
PINAGKOKOMENTO ng Supreme Court (SC) ang Senado, House of Representatives at iba pang respondents sa petisyong inihain laban sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa SC, ito ay matapos talakayin sa naging En Banc session nitong Miyerkules ang mga petisyon na inihain nina Atty. Israelito Torreon at VP Sara.
Pinasama na rin ang mga petisyon habang binigyan ng 10 araw ang respondents na magbigay ng kanilang komento kaugnay sa petisyon.
Kinukuwestiyon ng mga ito ang constitutionality o kung naaayon sa Saligang Batas ang impeachment proceedings laban sa pangalawang pangulo na tinatalakay ng House Committee on Justice.
Hinihiling ng kampo ni VP Sara na maglabas ng temporary restraining order ang Kataas-taasang Hukuman laban sa pag-usad ng impeachment, itigil ang anumang hakbang na may kinalaman dito at ideklarang unconstitutional ang dalawang impeachment case na inihain sa kaniya sa Kamara.