Advertisers
KINUMPIRMA ng Department of Migrant Workers (DMW) na nakatanggap sila ng 15,000 requests para sa repatriation assistance mula sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Middle East.
Ayon sa DMW, ang naturang mga Pinoy ay nakakumpleto na ng requirements at naghihintay na lamang sila ng arrangements para makauwi ng Pilipinas.
Tiniyak naman ng DMW na prayoridad sa repatriation ang naturang mga Pinoy lalo na ang nasa distress o vulnerable conditions.
Nilinaw naman ng ahensya na hindi lahat ng nagpalista ay nangangailangan ng agarang repatriation.
Ilan anila sa mga ito ay nagpalista lamang para mailagay sa monitoring lists sakaling lalo pang lumala ang giyera sa Gitnang Silangan.
May ilan din anilang nagpalista ang nag-withdraw na sa repatriation matapos na bumuti ang sitwasyon sa kanilang lugar.