Advertisers

Advertisers

5 PATAY SA SALPUKAN NG BUS AT MULTICAB

0 1

Advertisers

NASAWI ang lima katao nang bumangga ang sinasakyang multicab sa isang bus sa Ragay, Camarines Sur, Miyerkoles ng gabi.
Sa ulat, pawang kawani ng Lupi local government ang mga biktima.
Labintatlo katao ang sakay ng isang rescue vehicle na nasangkot sa trahedya. Sa bilang na ito, lima ang kumpirmadong nasawi at walo ang nasugatan na isinugod sa pagamutan.
Kinilala ang mga nasawi na sina James Ricky Ramos, Jan Michael Vargas, Angela Geronimo, at Myles Bautista, pawang empleyado ng LGU Lupi.
Nasawi rin si Nestor Lobrigo Jr., Dean ng St. Peter Baptist College sa Lupi.
Sa opisyal na ulat, lima ang nasawi sa nasabing trahedya, kabilang ang apat na kawani ng Pamahalaang Bayan ng Lupi.
Mag-a-outing ang mga biktima nang makasalpukan nila sa Andaya highway ang bus na galing Maynila.
Sa report, kumalat sa kalsada ang mga katawan pagkatapos tumilapon sa lakas ng impact.
Nawasak ang multicab habang nagtamo rin ng matin-ding pinsala ang bus.