Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Viral ang pagkapanalo ng panganay nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel sa victory nito sa kanyang first professional boxing bout na ginanap sa Temecula, California kamakailan.
Sa nasabing lightweight fight, pinadapa niya ang American fighter na si Darick Gates sa second round.
Ang kanya namang utol sa ama na si Eman Bacosa ay huling nagwagi sa undercard division sa lightweight bout noong Oktubre ng nakaraang taon.
Sa pagkapanalo ni Jimuel ay binati naman siya ng kanyang younger brother na si Eman pero sa kabila ng lahat ay may nang-iintriga naman sa dalawang anak ni Pacman.
Ito ang ilan sa mga hirit ng kibitzers.
“Sino ba ang mas pogi sa dalawa?”
“Para sa akin, si Jimuel. Kahit noong sila pa ni Heaven.”
“Si jimuel pinakapogi n anak ni Manny,ang layo nung Emman na forda clout lng sila ni Jillian.”
“Siyempre, team Eman ako kasi kahawig siya ni Papa P.”
“Humble aura ang datingan ng mga anak ni Manny ang Jinky medyo mahiyain.Yung Emman medyo chickboy dng dating at over confident minsan.”
“Magkaiba kahit na half sibling sila. Sabihin mo yan kung nakasalamuha mo na ang magkapatid.”
“Mas humble si Jimuel the way na kumilos siya yung Emman parang mayabang lalo na nung nanalo sa hiking na laban niya.”
“Unfortunately naexploit yung isa. Nagpagamit naman. Ayan waley na hype”
“Naku, ano kaya kung dumating ang time na sila ang magkalaban sa ring? Hehehe.”
“Tapos si Pacman ang magre-referee. Hahaha.”
“May dating namang pareho ang mga anak ni Pacman. Kahit pa half-brothers sila.”
“Huwag na lang silang pinagsasabong. Pareho silang mabait at God-fearing.”
“Oo nga. Actually, binati pa ni Eman si Jimuel sa victory niya. Huwag pag-awayin iyong magkapatid.”
“Pero sino kaya ang may gintong kamao na tagapagmana ni Manny.”
“Wala sa kanila. Mahirap mapantayan ang record ni Pacman dahil boxing icon na siya.”
“Parang wala naman sa kanila ng heir-apparent ni Pacquiao pero we can never tell.”
“Nag-iisa lang ang Pambansang Kamao.”
Si Jimuel ay panganay ng dating senador Manny Pacquiao kay Jinkee samantalang si Eman ay anak ng beteranong boksingero kay Joanna Rose Bacosa.