Advertisers

Advertisers

Nagdulot Ng Matinding Trauma At Malalang Karamdaman Sa Kanya! Dovie San Andres, ‘Di Pa Rin Mapatawad Ang Vivamax Starlet Na Si James Martinez; TV Personality Tito Boying, Bongga Ang Career!

0 26

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

May 1, 2019 nang mag-umpisa ang pambobola at pang-uuto kay Dovie San Andres ng Vivamax starlet na si James Martinez. Sinamantala ni James, ang mga kahinaan at kalungkutan ni Dovie sa pagpanaw ng Indie actor na si Khristian Michael Villanueva, na tunay at tapat na nagmahal sa kaniya. Nabola nang todo ni James, si Dovie sa mga mensahe nitong “mas masaya si kristian na makita kang masaya kesa maging malungkot. “Yahan mo…yung ginagawa niya sa iyo. Ako na ang gagawa. Para maka move-on ka nang unti. Alam ko di ako masyado magiging perfect pero sisikapin ko.” Matatamis pa nitong mga salita kay Dovie. So sino ang hindi bibigay lalo na nasa gitna ka ng matinding kalungkutan. Na feeling, syempre ni Dovie ay si James na ang magbibigay uli ng inspirasyon sa kaniya.

Pero ang nakalolokah, dito na pala mag-umpisang magparinig si James ng mga materyal na bagay tuwing magka-chat sila ni Dovie. At ilan sa emote niya ay wala na siyang makain, walang pambayad ng apartment, kuryente. At ang pinakamatindi ay gusto raw niyang makabili ng kotse.

Kahit hindi milyonarya si Dovie, lahat ng mga parinig o hirit ni James ay unti-unting ipinadala sa kanya ng social media Personality na si Dovie. At lahat ng mga sine-send nitong pera kay James ay alam ng mother nito na si Arym at sister ng sexy actor.

Ang sad part, ay unti-unting nararamdaman ni Dovie na ginagamit lang siya ni James. Sinasamantala lang nito ang kanyang mga kabaitan. Tuwing natatanggap kasi ni James ang perang padala niya ay hindi ito agad nagpapasalamat. Di ba, dapat grateful naman siya at hindi naman pinupulot ni Dovie ang pera. At tuwing magtatanong si Dovie sa kaniya ay napaka-pilosopo niyang sumagot. At kalalaki niyang tao, pero kung awayin nito si Dovie ay wagas!

Ayon pa kay Dovie, ay umabot sa P300k ang nabudol sa kanya ni James dahil pati pagpapagawa nito ng kotse ay siya ang pinagbayad nito. After niyang maibigay lahat ng gusto ni James, ay bigla na lang siyang hiniwalayan nito. Ibinenta rin nito ang biniling kotse ni Dovie, sa kanya nang walang paalam. At ang pangyayaring ito ay nagdulot ng matinding trauma kay Dovie na naging dahilan ng kanyang sleepless night at anxiety. Si James rin ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng malalang karamdaman, na nagpabalik-balik siya sa hospital. At sa ginawang pagtake-advantage sa kanya ng hubaderong starlet ay gusto na niyang ipa Raffy Tulfo ito noon. Naaawa lang siya sa pakiusap ng ina nito. Pero pinayuhan siya ni Dovie, na pangaralan nito si James na huwag na itong manloko pa ng ibang babae. By the way, next month ay Mayo na. Magbabalik, na naman sa alaala ni Dovie ang mga ginawang panloloko ni James na matagal niyang iniyakan at pati kalusugan nga niya ay lubhang naapektuhan.

***

Isa ang show ni Tito Boying, na “WHATTA WHATTA TODAY” sa most watched programs sa EuroTV Philippines. Twice ko nang napanood si Tito Boying sa kanyang show, and I find him not only a good host, but witty and energetic! Hindi rin siya nagba-bakel at no dead air siya. Kaya may karapatan siya sa field niyang ito. At wow in-demand rin si Tito Boying sa kanyang hosting jobs. And just recently lang he hosted CC6 Agents for their Fun Bingo. Most awarded TV Personality rin itong si Tito Boying and he has endorsements also. May mga sponsors rin siya sa kanyang Whatta Whatta Today With Tito Boying. Mapapanood niyo siya every Friday at 2:00-3:00 PM sa EuroTV, Facebook, Youtube, Pinoy Extreme, Sky Cable Channel 217, Cignal Channel 106, Etc.