Advertisers

Advertisers

Princess Flores, mabibinyagan sa daring na role sa VMX via “Tayuan 2”

0 290

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

SI Princess Flores ay isang newbie sa larangan ng showbiz. Unang pelikula niya ang “Tayuan 2” at aminado ang 22 year old na dalaga na nakaramdam siya nang pagka-overwhelm dito.

Kuwento ng baguhang sexy actress, “First movie ko po itong Tayuan 2 na mapapanood na sa VMX this coming April 17, ito po ay directed by Topel Lee.”

Aniya pa, “Hindi naman po ako kinabahan, kalmado lang po ako at confident lang para po mas magawa ko po nang maayos yung character ko po. Medyo overwhelm po, kasi first time pero habang tumatagal ay nasasanay na rin naman po.”

Last year lang siya napunta sa pangangalaga ni Jojo Veloso, nang nag-attend ng workshop ng Philmoda.

Aniya, “Walk-in lang po ako ako as in mag-isa ko lang, wala pong talent scout na kumuha sa akin. Hindi ko po in-expect na makakapasok po ako noong una, kasi gusto ko lang um-attend sa workshop (hahaha) at excited po talaga ako noonh mag-acting workshop. Kasi, first time ko rin kaya na-enjoy ko rin po at ang husay din po ng direktor, si Direk Jimmy at super bait din.

“Then tinanong po ako ni kuya Bert if kaya ko raw po ba kung isasalang ako sa Vivamax? Then napaisip po ako na, ‘Why not, nasa matured age naman na ako.’ Kaya ang sagot ko po, ‘Sige po kakayanin ko po.’ Then ayun po, nagkita na rin po kami ni mudra – si Mami Jojo, ang aming manager. Tapos chineck niya po ako kung pupuwede… tapos sabi po niya sa akin, ‘Maganda siya, simple lang.’

“Then yun po, natuwa po ako kasi nakapasa ako, pagkatapos ay nag-photoshoot at VTR na po kami. Noong una nahirapan po ako, kasi first time ko po lalo na noong topless na, hahaha! Sila Aliya Raymundo at Ardy Raymundo po ang kasabayan ko, naiilang po talaga ako noon, tinatakpan ko pa ng hair yung nipples ko, tapos tinanong ko pa si Aliya kung nakikita ba yung nips ko, tapos sabay tawa siya at sumagot na ‘Kanina pa kaya, hahaha!’ Ang kulit din niya, hahaha!”

Ano ang role niya sa Tayuan 2? “Ang role ko po sa Tayuan 2 ay bilang si Bridgitte. Si Bridgitte po rito para siyang explorer na nag-eenjoy lang, gusto lagi ng fun, flirty siya, sexy, and seductive. Parang kapag may gusto siya sa isang tao, makukuha niya.”

Paano niya ide-describe ang movie? “Very sensual, intense and daring po, dito po talaga lumabas yung pagiging vulnerable ko… Nagkaroon ako ng emotional residue after ng shooting, hahaha! Hindi ko po kasi akalain na magagawa ko yun,” bulalas pa ni Princess.