Advertisers
Ni Anne Venancio
Memorable at tila isang fairytale para kay Andrea Brillantes ang ma-experience for the first time ang makakita ng snow habang kinukunan ang international series ng TV5 na ‘A Secret in Prague’ kasama si Enrique Gil.
Ayon sa aktres, malaki ang naging epekto ng winter setting sa Prague para mas maging makatotohanan ang kanilang mga eksena kaya naman matinding adjustment ang nangyari sa working environment dahil, bukod sa sobrang lamig, kinakailangan din ng mas mahigpit na paghahanda sa bawat shooting day. Para kay Andrea, isa ito sa naging highlight ng kanilang buong taping experience sa abroad.
Sey ng aktres, “Parang sobrang excited ako noon kasi first time ko talaga makakita ng snow. Feeling ko para akong nasa movie, parang naging Elsa ako. Tuwang-tuwa ako sa simula, kaya ang una kong ginawa, binato ko si Quen ng snowball.”
Malaking challenge umano ang extreme cold during shoot. “Habang tumatagal, doon na namin naramdaman ‘yung hirap. Pagsapit ng gabi, nanginginig na kami pareho. Hirap na kaming magsalita, nabubulol na kami sa lamig. Ang ginagawa namin, nagbo-boxing na lang kami kahit sandali para uminit ‘yung katawan namin,” dagdag pa niya.
Ang A Secret in Prague ay isang international project ng TV5 na layuning maghatid ng mas cinematic at global-style storytelling para sa Filipino audience. Sa serye, ginagampanan ni Enrique Gil ang karakter na si Mikoy, isang OFW na masasangkot sa mapanganib na misyon, habang si Andrea Brillantes naman ay si Chiara, anak ng isang mafia boss.
Mapapanood ang ASIP simula Abril 27, 8PM sa TV5 bilang bahagi ng “Primetime Pa5iklab” lineup.