Advertisers

Advertisers

LAUNCHING EVENT NG BLVCK BOX LAST SATURDAY SA ISANG MALL SA QC SUCCESSFUL!

0 33

Advertisers

Ni Direk JM

Sucessful ang ginanap na launching event ng BLVCK BOX last Saturday sa isang mall sa QC ni Engr. Louie Cristobal at Engr. Grace Cristobal na dinaluhan ng napakaraming showbiz celebrities, ilang mga artista, mga direktor ng pelikula, producers at mga media.

Spotted sa event ang mga singers at rapper na Crazy as Pinoy na sila Bassilyo, Crispin at Sisa na nag perform at kumanta ng kanta nilang Panaginip.

Nasa Event din ang Veteran Actor at President ng Movie Workers Welfare Foundation na si Rez Cortez at isa pang veteran actor na si Archi Adamos. Spotted din sa event si Baby Giant ng Batang Quiapo.

Ang BLVCK BOX ay ginawa upang makatulong sa mga film makers, directors at mga content creators na magkaroon ng pagkakataon na mapanuod ng mga audience ang kanilang mga likha through online platform, at nagbibigay din naman ng pagkakataon sa mga producers ng pelikula at content producers na kumita sa nasabing platform.

“BLVCK BOX was created with a simple but powerful Idea, to make Filipino Films and digital competitor accessible to everyone, no barriers, no subscriptions just meaningful stories available at your fingertips” ang sabi ni Engr. Grace Cristobal ng magsalita siya sa harap ng event.

Nagsalita din sa Event ang husband ni Engr. Grace Cristobal na si Engr. Louie Cristobal ang brilliant mind behind BLVCK BOX at ipinaliwanag sa mga dumalo kung paano makapaglagay ng pelikula at content sa BLVCK BOX.

Ipinalabas din sa event ang short film ng aktor na si Mark Herras na Pluma with Director Andrei Bagos.

Abangan natin ang mga pelikulang mapapanuod sa BLVCK BOX App Soon!