Advertisers

Advertisers

JM de Guzman tigil na sa pag-inom at pagkain ng karne

0 5

Advertisers

Ni Anne Venancio

Aminado si JM de Guzman na ang kanyang bagong TV5 series na My Bespren Emman ang naging turning point sa kanyang buhay, na nagbigay sa kanya ng mas malalim na pananampalataya, paghilom, at bagong pananaw sa kanyang mga pinagdaanan.

Aniya, nagbago ang lahat nang personal siyang bisitahin ni Direk Derick Cabrido upang ikuwento ang istorya at karakter na gagampanan niya.

“I remember just listening and suddenly breaking down. It wasn’t just a role anymore. It felt like I was being reminded of something I had lost. In that moment, I realized I needed God again,” kwento ni JM.

Matagal din umano siyang nakaranas ng personal na pagdududa at paulit-ulit na pagsubok. “There were times I kept wondering why certain struggles kept repeating in my life,” aniya.

Sa pagganap niya bilang Mateo de Jesus, sinabi ni JM na naging makabuluhan ang kanyang karanasan sa proyekto. “Everything I went through before—depression, anxiety, confusion—it all started to make sense.”

Malaking tulong din umano ang suporta ng kanyang mga co-star na sina Shaina Magdayao, Sid Lucero, at Ai-Ai delas Alas sa mga emosyonal na eksena upang mas maging totoo ang kanyang ginagampanang role.

At sa kanyang pagbabalik sa telebisyon, inamin ng aktor na tuluyan na siyang tumigil sa pag-inom ng alak, nagbawas sa softdrinks at pork, at mas pinagtutuunan ng pansin ang pag-eehersisyo.
“When your mind and spirit are aligned, everything follows,” giit pa niya.
Ang My Bespren Emman ay bahagi ng TV5 Primetime Pa5iklab campaign at ipapalabas sa Abril 27, 8:45 PM. Tampok din sa serye sina Shaina Magdayao, Sid Lucero, Ai-Ai delas Alas, Michael de Mesa, Kit Thompson, Mitch Valdes, at Ely Buendia.