Advertisers
Ni Anne Venancio
Bukod sa pagiging aktor, nakatutok din si David Licauco sa kanyang mga negosyo, kung saan patuloy niyang pinapalawak ang kanyang investments sa food business, real estate, at ngayon ay resort development.
Ayon sa kanya, plano niyang magtayo ng isang premium resort sa Siargao. “Right now, nasa planning stage pa rin ako ng resort, designing. I really want it to be super premium,” aniya.
Sinusunod niya ang long-term vision sa negosyo. “Mas okay na long term ka mag-isip. Dream big, start small. I’m starting small in Siargao with that goal in mind,” paliwanag ng aktor.
Dagdag pa niya, pinili niya ang Siargao dahil sa malaking potensyal nito sa turismo. “I just love Siargao and I see na malaki talaga ‘yung market niya. Marami pang untapped market. Kapag mas na-develop pa ang imprastraktura sa isla, mas lalaki pa ang bilang ng mga lokal na turista na pupunta rito,” aniya.
Nagsimula umano ang ideya matapos niyang makipag-usap sa mga negosyante sa lugar.
Aminado rin ang aktor na hindi habang-buhay ay may trabaho siya sa showbiz, kaya mas pinili niyang magkaroon ng backup plan sa pamamagitan ng pag-invest sa real estate, restaurants, at maging sa Airbnb.