Advertisers
INAALAM pa ng Philippine National Police (PNP) kung mayroong kaugnayan sa malaking sindikato ang natukoy na ilegal na opera-syon ng “paihi” na nadiskubre sa Navotas City at sa isang resort sa San Pablo City, Laguna.
Ipinag-utos ni PNP Chief, General Jose Melencio Nartatez Jr., ang masusing im-bestigasyon upang matukoy ang nasa likod ng mga na-sabing organisadong sindikato ng oil pilferage sa bansa.
Paliwanag ni Nartatez, ang mga nahuling “paihi” ay maaaring parte ng mas malaking sindikato ng oil pilferage sa bansa.
Nitong Miyerkoles, Abril 8, inaresto ng pulisya ang anim katao sa loob ng isang hotel at resort compound sa San Pablo City, Laguna, nang maaktuhan silang nagsasagawa ng ilegal na pag-iimbak ng petrolyo, na labag sa Oil Pilferage Law, habang nasa 500 litro ng fuel at iba pang kagamitan ang nasamsam sa mga ito.
Isang araw bago nito, siyam katao rin ang naaresto at 65,000 litro ng diesel na nagkakahalaga ng P9.75 mil-yon ang nakumpiska sa isang raid sa Navotas Fish Port Complex sa Barangay North Bay Boulevard South (NBBS), Navotas City.