Advertisers

Advertisers

Service contracting program at P10 bawas sa presyo ng langis ipatutupad ng pamahalaan – PBBM

0 3

Advertisers

INANUNSIYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagpapatupad ng P10 kada litrong bawas sa presyo ng krudo para sa mga public utility vehicle (PUV), na may maximum na 150 litro kada linggo sa loob ng tatlong buwan.

Sa video message ng Pangulo, sisimulan ang nasabing programa sa National Capital Region sa susunod na linggo at palalawakin sa mga susunod na araw hanggang sa maipatupad ito sa buong bansa.

Layunin ng nasabing hakbang na mapababa hindi lamang ang gastos sa transportasyon kundi mapigilan din ang pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin.



Ipinaliwanag din ng Pangulo na ipatutupad din ang fuel subsidy sa mga lehitimong gasolinahan na aprubado at mino-monitor ng Department of Energy upang matiyak na hindi ito maaabuso.

Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo na ang programa ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na mapanatili ang maayos na pamumuhay ng mga Pilipino at maprotektahan ang kanilang kapakanan.



Samantala, muling nagpulong ang UPLIFT Committee sa Palasyo ng Malakanyang upang talakayin ang pinakahuling developments sa Middle East at ang epekto nito sa bansa, lalo na sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.

Bilang tugon, inanunsyo ng Pangulo na ipatutupad ng Department of Transportation ang service contracting program simula Abril 15.



Sa ilalim ng nasabing programa, babayaran ang mga operator at driver ng P40 hanggang P100 kada kilometro.

Ayon sa Pangulo, mag-kakaroon naman ng hindi bababa sa 20% diskwento ang mga commuter.

Saklaw ng programa ang humigit-kumulang 50,000 PUV, 1,000 operator, at aabot sa 15 milyong pasahero sa buong bansa.

Tututok ito sa mga rutang konektado sa tren at pangunahing bus routes upang mapabuti ang daloy ng biyahe.

Ipapatupad ang programa sa off-peak hours at lalagyan ng GPS monitoring ang mga sasakyan upang matiyak ang maayos at aktuwal na serbisyo.